ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Antoinette Taus denies rumors about love child with ex-BF Dingdong Dantes


Sa kabila ng ilang ulit nang pagtanggi ni Antoinette Taus na wala silang anak ng dating boyfriend na si Dingdong Dantes, hindi pa rin mamatay-matay ang mga haka-haka tungkol dito. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa nagbabalik na aktres, sinabi ni Antoinette na kung may anak siya ay hindi niya ito itatago o itatatwa sa publiko. “Oo, natatawa na lang din ako kasi, ever since, 'di naman matapos yun, 'tapos parami nang parami yung mga 'anak' ko. “Hindi naman ako ganun. “If ever I did have a child, sasabihin ko naman sa publiko, 'di ko naman itatago. “Siyempre I’ll be proud of the child I have and I do wanna have kids someday. "Kung sakali mang mangyari yun, I’ll be celebrating. "But, as of now, wala pa akong plano. I wanna focus on my work. “Yung lovelife, para sa akin, makakapaghintay pa.” Willing to meet Marian Tinanong din si Toni kung bukas ba siya sa pagkakataong magkita at magharap na sila nang personal ni Marian Rivera, ang girlfriend ngayon ni Dingdong. Mabilis naman niyang tugon, “Ay, great! "Finally, makapag-meet na kami para makita ng mga tao na walang problema, walang issue, na everything is really good.” Sa isang interview ni Marian ay sinabi raw nitong “Sino yun?” nang tanungin kung kilala nito si Antoinette. Pero ayon kay Antoinette, kung sakali ngang nasabi iyon ni Marian ay hindi ito dapat palakihin dahil baka nagbibiro lang naman ito. “Ano lang yun, sabi ko nga, siguro nagbibiro lang yun kasi ang alam ko, mahilig ding magbiro yun. "Siyempre joke-joke-an lang yun." No reason to get jealous Ilang pagkakataon na ring nasulat na selosa raw si Marian pagdating sa mga nakakapareha o nauugnay kay Dingdong. Hindi naman ito ikinababahala ni Toni lalo’t matagal nang tapos ang relasyon nila ng kanyang ex. Giit niya, “Wala naman kasing dapat pagselosan, eh. “So, walang mangyayaring masama, I’m sure. "Oh, my gosh, yung sa amin ni Dingdong, tapos na yun a long time ago. “It’s a new chapter now. "I’m happy for them, sana magtuluy-tuloy yung magandang relationship nila." No talks with Dingdong yet Nagkita o nagkausap na ba sila ni Dingdong muna nang bumalik siya sa Pilipinas? Sagot ni Antoinette, “Hindi pa, hindi. "Hindi pa talaga kami nagkikita at nagkakausap, but I’m sure it’s gonna happen. “Before oo, we never naman lost touch, talagang naging friends naman kami. "Everything is great, mahirap lang talagang mang-intriga yung mga tao. "Wala talaga kaming problema," ulit pa niyang pahayag. Long-term plans in Manila Sa ngayon ay wala raw boyfriend si Antoinette dahil ang career daw niya ang gusto niyang maging focus. “No, I’m really more focused on work right now. I wanna sing and hope acting na rin,” dagdag pa ng dating child actress. Sa ilang taong paninirahan sa Amerika, hindi naman daw iniwan ni Toni ang showbiz, lalo na ang pagmamahal niya sa musika at pag-arte. “Kumbaga, tumira muna ako sa ibang bansa for a while, I never really left it naman talaga while I’m really pursuing in the U.S. “I think I’m really in the business, this is really my life, lalo na singing. "I’m still involved pa rin naman sa Filipino community over there pero nandito na muna ako nang matagal. “Supposed to be ilang buwan lang, mga three to four months lang for a new project, pero mukhang magtatagal pa talaga ako. “Pinaplano lahat, may mga projects really in the works. "Yung iba may mga pinapalano pa, may mga desisyon pa na dapat gawin,” sabi niya.Melba R. Llanera, Pep.ph