ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

German Moreno proud to name Rose 'Osang' Fontanes as first OFW on Walk of Fame




Masaya ang Master Showman na si German Moreno na makitang labis ang tuwa ni X Factor Israel winner Rose ‘Osang’ Fostanes nang i-unveil ang pangalan nito sa Walk of Fame. 

Naganap ito noong Linggo ng hapon, April 6, sa City Walk, sa Eastwood, Libis, Quezon City.  

“First time na may OFW na nalagay dito sa Walk of Fame,” sabi ng beteranong TV host nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal). 

“And konting paliwanag din, dito sa hanay ng mga pangalan kung saan kabilang siya, e, meron tayong mga internationally-known personalities.

“Like si Robert Lopez na isa ring Pilipino na nagbigay sa atin ng karangalan,” pagtukoy pa niya sa composer ng "Let It Go" na nanalong Best Original Song sa Oscars para sa pelikulang Frozen.

“Si Anderson Cooper, narito rin, si Justine Bieber, at saka si Paul Walker dahil sa nangyari nga na pagtulong nila sa Yolanda victims.

“So, ang lahat ng ‘yan ay ina-appeciate natin. 

"Kung napupuna man ng iba na meron tayong isinasali na mga pangalan dito na hindi Pilipino, sa Walk of Fame Philippines, lahat ay bibigyan ko ng pagpapahalaga.

"Basta nakakatulong sa ating entertainment... at sa ating bansa."

GOOD EXAMPLE. Inasam daw talaga ni Kuya Germs na makita at makilala si Osang Fontanes.

“At talagang nakakabilib naman siya.

“You know, I was watching her, meron akong koleksiyon ng mga ipinanalo niyang awitin.      

“She is a good example na kung meron kayong ibang talent, aba, pa-discover kayo!

“Hindi lang naman siya nag-iisa, e, sa mga sinasabing caregiver na kung anong suwerte ang dumarating e hindi natin akalain.

“At baka sakali ay matulad kayo kay Osang na malaking karangalan ang naibigay sa ating bansa.”

CITY OF STARS. Marami man ang pumupuri sa effort ni Kuya Germs na ipagpatuloy ang nasimulan na niyang Walk of Fame, may mga bumabatikos din at nagbibigay ng negatibong komento. 

Nakukuwestiyon kung bakit walang mataas na pamantayan o criteria at parang kung sinu-sino lang daw ang ibang pangalang nailalagay rito.

Saad ni Kuya Germs, “Sana maitindihan nila na kung mag-aano pa tayo sa criteria ay aabutin tayo ng siyam-siyam para humabol tayo sa ginawa ng Hollywood.

“Sa Hollywood, wala naman sila ng mga crite-criteria na ‘yan. 

"Yung kontribusyo ang most important na nagagawa sa entertainment world.

“So it doesn’t mean na komo meron pang mga bagay na kailangang sundin, wala naman akong ginawang reglamento about that.

“Ang hiling sa akin ng Eastwood, maglagay ka ng mga nauna at ng mga sikat at sumisikat ngayon.

"Para daw ‘yong henerasyon ngayon, nakikita rin nila na meron silang inabot na sumikat nitong henerasyon na ito."

Pinaninindigan daw niya na walang kung sinu-sino lang na pangalang nailalagay sa Walk of Fame.

“Bakit? Sinu-sino ba ang nandun?

“Kumbaga, ang Walk of Fame ay para sa mga taong may nagawang malaking achievement na hindi naka-concentrate lang sa showbiz. 

“Ang Quezon City ay City of Stars, ang star doesn’t mean na sa artista lang ‘yan.

“Halimbawa, ina ka ng tahanan, star ka ng tahanan. 

“At baka sakali ay matulad kayo kay Osang na malaking karangalan ang naibigay sa ating bansa.”

CITY OF STARS. Marami man ang pumupuri sa effort ni Kuya Germs na ipagpatuloy ang nasimulan na niyang Walk of Fame, may mga bumabatikos din at nagbibigay ng negatibong komento. 

Nakukuwestiyon kung bakit walang mataas na pamantayan o criteria at parang kung sinu-sino lang daw ang ibang pangalang nailalagay rito.

Saad ni Kuya Germs, “Sana maitindihan nila na kung mag-aano pa tayo sa criteria ay aabutin tayo ng siyam-siyam para humabol tayo sa ginawa ng Hollywood.

“Sa Hollywood, wala naman sila ng mga crite-criteria na ‘yan. 

"Yung kontribusyo ang most important na nagagawa sa entertainment world.

“So it doesn’t mean na komo meron pang mga bagay na kailangang sundin, wala naman
akong ginawang reglamento about that.

“Ang hiling sa akin ng Eastwood, maglagay ka ng mga nauna at ng mga sikat at sumisikat ngayon.

"Para daw ‘yong henerasyon ngayon, nakikita rin nila na meron silang inabot na sumikat nitong henerasyon na ito."

Pinaninindigan daw niya na walang kung sinu-sino lang na pangalang nailalagay sa Walk of Fame.

“Bakit? Sinu-sino ba ang nandun?

“Kumbaga, ang Walk of Fame ay para sa mga taong may nagawang malaking achievement na hindi naka-concentrate lang sa showbiz. 

“Ang Quezon City ay City of Stars, ang star doesn’t mean na sa artista lang ‘yan.

“Halimbawa, ina ka ng tahanan, star ka ng tahanan. 

"May anak ka na de kampanilyang abogado o doctor, star din ‘yan.

"Kapag kayo’y nagawi sa Quezon City, kahit kayo’y hindi taga-Quezon City, star ang salubong sa inyo ng mga tao dito."

At kung kaya pa raw niyang gastusan, "E, siguro pati na rin yung mga producer natin, gaya nina Doña Adela Santiago, Doña Sisang de Leon, ang mga Vera-Perez, lahat ‘yan ilalagay ko."

EXPENSE. Sinimulan niya ang Walk of Fame halos siyam na taon na ang nakararaan.  

At sa pagsisikap niyang maipagpatuloy ito, umabot na rin daw ng milyun-milyong piso ang perang nailabas niya galing sa kanyang sariling bulsa.

“Ilang milyon na nga talaga ang nagagastos ko!” bahagyang natawang sabi ni Kuya Germs.

“Idaan mo na lang sa five hundred thousand pesos kada taon. E, ilang taon na?

“Malaki-laki na rin kung sa nine years na, 'di ba? Pero hindi ko naman iniisip yung gastos, e.

“Ang sa akin, kung wala namang nagpapahalaga sa mga artista natin sa kanilang kontribusyon e naisip ko na ring tularan ang Hollywood nung dalhin ako ni Dr. Perez [of Sampaguita Pictures] do’n.

“Dinadayo ito ng mga tao at ng mga turista. 'Di ba, maganda na magkaroon din tayo dito sa atin ng ganyan?”

Natatawa na lang daw siya sa mga nag-iisip pa rin na baka yung perang ginagastos dito ay galing sa lokal na pamahalaan ng Quezon City.

“Wala naman talaga, e, walang nanggagaling sa kaban ng Quezon City.

“Kaya huwag silang mag-isip na… akala nila yung ibinabayad nilang taxes e napupunta diyan, wala.”
 
PROPOSAL. Ngayong naaprubahan na ng konseho ng Quezon City ang pinupursigi ni Kuya Germs na pagpapalaganap ng Walk of Fame sa maraming panig ng siyudad bilang City of Stars, maglalabas na rin ba ng pondo ang city government?

“Bakit? Gagawin ba ng Quezon City?” balik-tanong ni Kuya Germs.

Hindi ba't may nabanggit na si Mayor Herbert Bautista na sa taong 2016 daw ang implementasyon nito?

Sabi ng veteran TV host, “Well, kapag ginawa na niya, dapat nga ang gobyerno ang nag-aasikaso niyan. 

“Bakit nga ang Hollywood, gano’n din?

"Dahil ang laki ng ipinapasok ng mga artista sa kaban ng isang bansa.

“In return, ano ba ang nagagawa? Hindi naman ‘yan pagsasayang ng pera. 

"Karagdagan ‘yan na pang-akit ng mga tao na katulad nga ng sa Hollywood na ang mga turista ay dumadayo doon.

"Kung makikita niyo lang, kung yung mga nang-iintriga ay hindi pa nakakapunta sa Hollywood, e, pumunta sila."

Ayon kay Kuya Germs, “Ang isa pa nga sa dream ko, doon sa Quezon City Circle ay magkaroon ng parang teatro kung saan idaraos ang mga premiere night ng mga dekalidad na pelikula.

“'Tapos ang buong Quezon Avenue nga papunta sa City Hall, nandiyan ang pangalan ng mga artista.”

Ilang beses na raw niyang nabanggit kay Mayor Herbert ang tungkol dito.  Lahat ng buong detalye, na-discuss na raw niya at nailatag sa mga naging pag-uusap nila.

“In-explain ko na lahat ‘yan. Para sa gano’n nga, yung buong circle na gano’n sa may Quezon City Hall, lahat ‘yon.

“Pati yung mga artistang maglalagay ng business, na meron silang boutique o ganito-ganyan doon…

"Lahat ‘yon para maakit natin ang mga tao.”

Ano naman ang naging sagot sa kanya ni Mayor Herbert?

“Maganda naman, kaya inaprubahan ‘yan ng mga councilor, e.

“Kulang lang daw ay yung implementation.

"E, sino ang dapat mag-implement, ang mayor?

“E, dapat gawin niya [Mayor Herbert], showbiz nga siya, 'di ba?

“Sabi ko sa kanya, 'Bakit sa 2016 pa kung kailan magtatapos na ang term mo?' E, ngayon pa lang, gawin mo na.'

"'Di ba?”

May nasabi ring paliwanag si Mayor Herbert na mayroon pa raw kasing iba pang mga proyektong dapat na unahin.

Sagot ni Kuya Germs dito, “Alam mo ito, kung nasimulan ito noong araw pa, siguro ang laki na ng naitulong sa turismo.”

Ibig ba niyang tukuyin, kung ayaw, maraming dahilan, pero kung gusto, maraming paraan?

“Oo!” pagsang-ayon ng TV host. -- Ruben Marasigan, PEP