ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Ara Mina admits pregnancy and miscarriage




Hangga’t maaari sana ay ayaw nang magsalita ng aktres na si Ara Mina tungkol sa nabalitang nabuntis siya at pagkalipas ng tatlong buwan ay nakunan siya.

Ang ama ng batang dinadala sana ni Ara ay ang kanyang kasintahan na si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses.

Nang pumutok ang balita, itinanggi ito ni Ara.

Ngunit binawi rin niya ito bandang huli dahil sinabihan daw siya ni Mayor Patrick na aminin na niya, pero huwag nang magsalita.

Ilang beses sinubukan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ng pahayag si Ara tungkol sa nangyari sa kanya, pero tumanggi ang aktres dahil pinagsabihan daw siya ni Mayor Meneses.

Lalaki pa raw kasi ang balita kung magsasalita pa siya.

Sinadya naman ng PEP at Startalk si Mayor Patrick sa isang graduation rites sa Bulacan noong nakaraang linggo, pero nakiusap itong huwag na siyang kapanayamin.

Hindi siya nagkomento tungkol sa pagbubuntis at pagkakakunan ni Ara.

Ngunit sinabi niyang sa susunod na taon ay baka matuloy na ang balak nilang pagpapakasal ng aktres.

Pero hindi pa raw siya makapagbigay ng buong detalye dahil hindi pa naman siya nagpu-propose kay Ara.

Ayon pa kay Mayor Patrick, magbibigay naman si Ara ng statement tungkol sa nangyari sa kanya.

At ginawa nga ito ng aktres.
 
ARA’S STATEMENT. Sa official statement na ipinadala ni Ara sa PEP at Startalk ay inamin niyang nabuntis at nakunan siya.

Narito ang kabuuang pahayag ng 34-year-old actress:

“I would like to clear the issue about the pregnancy.

“Yes, I was, but unfortunately I had a miscarriage few weeks back.

“It’s something we don’t want to remember as it was so painful for me and Pat.

“Something that we just cannot vocally discuss in public, but we both owe the people the truth that’s why I’m making a statement about it.

“In God’s time maybe another blessing will come in the future, but for now, we are still trying to move on, trying to forget the miscarriage.

“We hope that people would understand why we kept in private. Thank you.”

Pagkatapos nito ay nakausap ng PEP si Ara.

Sinabi niya na noong December 2013 siya nakunan, bago namatay ang lolo niya.

Nanahimik na lang daw siya dahil magkasunod na trahedya ang dumating sa kanya at mas gusto raw niyang huwag na lang itong pag-usapan.

Pagkatapos siyang nakunan, sumailalim siya sa D&C treatment o Dilation and Curettage.
Tapos na raw siya sa naturang treatment at okay na siya ngayon.

Puwede na raw siyang mabuntis uli.

Pagdating sa planong pagpapakasal, hinihintay lang daw ni Ara na mag-propose sa kanya si Mayor Patrick dahil napapag-usapan naman nilang magpapakasal na sila sa susunod na taon.

“Magti-35 na ako, gusto ko na rin magkaroon ng family ko talaga. Sana matuloy na,” sabi ng aktres. -- Gorgy Rula, PEP
Tags: aramina