ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Aiko Melendez, napatawad na raw sina Ara Mina at nobyo nitong politiko

Hangad daw ni Aiko Melendez ang kaligayahan nina Ara Mina at Mayor Patrick Meneses.
Ito ang naging reaksiyon ni Aiko nang malaman niya ang tungkol sa nangyari kay Ara—ang pagkakabuntis at pagkakakunan nito sa kanilang anak sana ni Mayor Patrick.
Basahin: Ara Mina admits pregnancy and miscarriage
Si Mayor Patrick ay ex-boyfriend ni Aiko.
Pahayag ni Aiko, “Ngayon ko lang nabalitaan ‘yan.
“Kasi dinetach ko ang sarili ko sa negative na balita, negative na tsismis.
“All I do was to watch the news, but apparently hindi naman sila gaanong lumalabas sa news.
“So, ngayon ko lang narinig na may ganun. Hindi ako updated about them.”
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko sa story conference ng indie film niyang Asintado, entry ng direktor na si Louie Ignacio sa Cinemalaya Independent Film Festival 2014, noong nakaraang linggo.
Idiniin ni Aiko na matagal na niyang napatawad ang dalawa pagkatapos nilang masangkot sa hindi magandang isyu noong 2011.
Matatandaang hindi naging maganda ang breakup nina Aiko at Mayor Patrick, at nauwi pa sa pagsasampa ng kasong libel ng pulitiko laban sa aktres.
Inakusahan ni Mayor Patrick si Aiko ng pagkakalat diumano ng blind item na kumukuwestiyon sa kanyang pagkalalaki.
Basahin: Aiko Melendez and Mayor Meneses meet in court after their breakup
Nadawit din sa isyu si Ara.
Sabi ni Aiko, “Before kasi, let’s face it naman, ano ba ang pinagmulan ng away, ‘di ba?
“It started sa may nasirang pamilya, may naagaw.
“Dumating sa pangalawang beses na may common denominator naman, ‘di ba?
"That’s something na hindi maganda na pag-usapan.
“So, sa akin, imbes na mahingan pa ako ng reaksiyon sa isang bagay na puwede sanang ayusin in the end…
“Less talk, less mistake, ‘di ba? I kept quiet na lang.”
Ang tinutukoy na “common denominator” ni Aiko ay si Ara, na nagkaroon din ng ugnayan noon sa unang ex-husband ni Aiko na si Jomari Yllana.
FORGIVENESS. Pero ngayon ay kaya na raw niyang harapin sina Ara at Mayor Patrick.
At kahit daw magkita sila, kaya na niyang makipagbati dahil matagal na siyang nagpatawad.
Isa raw ito sa pagbabago ni Aiko bilang isang born-again Christian.
Saad niya, “Matagal ko na silang napatawad, even nung bago pa ako na-baptize.
“Si Tita Connie [Reyes] is one of the few people na may alam niyan.
“Isa ‘yan sa ipinagdasal namin na sana one day ay magkapatawaran na.
“Kasi ako, on my end talaga, napatawad ko na.”
Kahit hindi pa raw humingi ng tawad sa kanya sina Ara at Mayor Patrick ay pinatawad na niya ito at kaya niyang bumati kung sakaling magkasalubong sila.
“Kung magkita man kami sa isang lugar na magkangitian kami, hindi na ako yung tipo ng tao na maging confrontational pa.
“’Pag maganda ang setting ng isang lugar na wala masyadong press o walang media na…
“Kasi ‘pag may media iisipin nila na hindi ako sincere o ano, ‘di ba?
“Mas maganda yung magkita kami sa isang setting na hindi pinlano.”
REACTION. Hiningan ng PEP ng reaksiyon si Mayor Patrick tungkol sa naging pahayag ni Aiko, ngunit hindi na siya sumagot.
Sabi naman ni Ara, natutuwa siya sa mga pahayag ni Aiko.
“That’s good for her if Christian na siya, kasi almost five years na rin akong Christian.
“Pero wala naman siguro akong nagawang kasalanan para patawarin niya kami.
“Pero mas okay na yun na okay na ang lahat, para wala nang negative,” pahayag ni Ara. -- Gorgy Rula, PEP
Tags: aramina
More Videos
Most Popular