ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Cristine Reyes, nalungkot sa miscarriage ni Ara Mina; nakakausap pa rin daw si Derek Ramsay


Ikinalulungkot ni Cristine Reyes ang pagkakunan ng kanyang ate na si Ara Mina. Noong 2013 ay nabuntis si Ara sa magiging anak sana nila ng boyfriend niyang si Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses, ngunit pagkalipas ng tatlong buwan ay nakunan ang aktres. Basahin: Ara Mina admits pregnancy and miscarriage Sa pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Cristine, nagpahayag siya ng kanyang naramdaman sa nangyari sa ate niya. Saad niya, “Sobrang happy ako nung nabalitaan ko na nabuntis ang sister ko, but yun nga. “Siguro hindi pa time, siguro hindi pa panahon na magkaroon siya ng baby. “Lahat naman ng mga bagay, may panahon para diyan.    “Na-sad kami, na-sad ako lalo, pero after nun, okay na ulit. “Hindi mo naman kailangang mag-dwell, kailangan mong mag-move forward.” Ano ang ibinigay niyang suporta kay Ara noong panahong nakunan ito? “Matagal na ‘yan, e, ngayon lang siya lumabas. “Hindi ko maalala kung ano ang ginawa namin… lagi naman kaming nagdi-dinner, e, kaming family. “Oo, kasi last Sunday lang magkakasama kami nila Ate, nag-dinner kami.” Ngunit nilinaw ni Cristine na maayos na ngayon ang kalagayan ni Ara. “Okay naman si Ate. Happy siya ngayon, happy siya sa business niya. “Feeling ko, isa rin sa reason ‘yan kung bakit hindi natuloy dahil biglang nag-boom ang business niya to the point na kailangan na niya ng mga tao. “Parang feeling ko, ‘A, siguro ‘di nga siguro dapat magsabay yun.’ “At least, okay na okay siya sa lovelife niya, happy siya, okay din ang business niya.” May line of beauty products si Ara.   CRISTINE’S LOVELIFE. Tungkol naman sa lovelife ni Cristine, single pa rin daw siya hanggang ngayon ngunit hindi naman siya nagsasara ng pintuan. Aniya, “Darating din tayo diyan. “Sa ngayon, focus muna ako sa sarili ko. “Hindi ako nagmamadali. Kung sino ang para sa akin, darating yun. “Hindi ko siya kailangang hanapin, hindi ko siya kailangang ipaglaban.” Ano na ang nangyari sa kanila ng napabalitang manliligaw niyang si Kevin Alas ng Gilas Pilipinas? Saad ni Cristine, “Hindi ko na nga siya nakakausap. “Busy ako sa mga ginagawa ko, I think busy rin siya. “Hindi ko masabing nanligaw siya, kasi ‘di mo alam ngayong panahon na ito kung nanliligaw ba ang mga lalaki or what. “Ako, ayokong magbigay ng kahulugan kung anuman yung purpose nila kung bakit sila nandiyan.” Nausisa rin namin si Cristine tungkol sa pagkaka-link ng ex-boyfriend niyang si Derek Ramsay kay Kris Aquino. Bagamat mabilis na itinanggi ni Derek na may namamagitan sa kanila ni Kris at umamin na rin ang Queen of All Media sa relasyon nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista, sinabi ni Cristine na nabanggit ito sa kanya ng dating boyfriend. “Actually, hindi ko alam yung issue. Si Derek mismo ang nagsabi sa akin. “Parang ako, I know Derek from the very start… wala lang. “Ayoko nang idetalye kung ano ang napag-usapan namin. “Ako naman, open-minded ako sa mga ganyan. “Basta kung ano ang sinabi niya, yun na 'yon.” Dagdag pa niya, “Minsan tumatawag yun. “Minsan tumatawag yun sa mga kaibigan ko, nangungumusta. “Yun ang gusto ko sa kanya, kahit wala na kayo, nandun pa rin yung bond.” -- Melba R. Llanera, PEP