ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Kris, nag-sorry kay James; inaming nanghinayang sa kanilang paghihiwalay
(Photo: Borrowed from Kris Aquino's Instagram) Emosyunal pero masaya ang television host-actress na si Kris Aquino na nagkasama-sama silang muli ng kaniyang ex-husband na si James Yap at mga anak na sina Joshua at Bimby. Nangyari ito sa advance birthday celebration ni Bimby kung saan dumalo mismo si James. Nag-post pa si Kris ng picture nilang apat sa Instagram na lawaran ng isang masayang pamilya. Sa isang ulat ni Rachelle Siazon, na lumabas sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong Miyerkules, humingi umano ng paumanhin si Kris kay James sa nangyari sa kanila noon. Ginawa ni Kris ang pag-sorry sa programa nila ni Boy Abunda. "I'm very sorry James sa lahat ng heartache na ibinigay ko," pahayag ng bunsong kapatid ni Pangulong Noynoy Aquino III. Ipinakita rin ni Kris ang larawan noon ni James habang karga si Josh. Pero sa nabanggit na birthday celebration ni Bimby, makikitang mas matangkad pa ngayon si Josh kay James. Si Josh ay anak ni Kris sa dati nitong karelasyon na si Philip Salvador. Pinasalamatan ni Kris si James sa ipinakitang pagmamahal umano nito kay Josh kahit hindi naman niya kadugo. "You stepped up for Josh naman. Na hindi naging madali, pero naging mabuti ka sa someone na hindi mo naman kadugo and never mo siyang trinato na iba sa 'yo," pahayag ni Kris sa ulat. "And pati yung family mo, they were always good to my son," dagdag pa niya. Inamin din ni Kris na nakaramdam siya ng panghihinayang na nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ni James. "There’s a lot of regret, that’s the truth," ani Kris. "Maraming panghihinayang. Nagsisi ako na dapat nung nagpatawad ako, sana nagpatawad ako." Taong 2005 nang ikinasal sina Kris at James sa isang civil wedding ceremony. Pagkaraan ng limang taon, inanunsiyo nila ang kanilang paghihiwalay, at 2012 nang maaprubahan ang kanilang annulment. Gayunman, sinabi ni Kris na naka-moved na siya at mananatiling may special place sa kaniyang puso ang dating mister. "I will repeat it. Ibinigay ni James Yap sa akin ang isang bagay na no other man gave me. Ibinigay niya yung pangalan niya sa akin," pahayag niya. "The fact that at one point in our lives, we loved each other enough, pero yung if I love him now... He will always have a place in my heart," dagdag niya. Basahin: Kris Aquino admits relationship with Quezon City Mayor Herbert Bautista Basahin: Alamin ang reaksiyon ni Joey Marquez sa namumuong Kris-Herbert romance Basahin: Herbert Bautista, namula at nagtago sa lamesa nang tuksuhin kay Kris Aquino Sa ngayon, nauugnay kay Kris kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, habang may nobya naman ngayon si James na si Michaela Cazzola. -- FRJ, GMA News Tags: krisaquino
More Videos
Most Popular