ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Kat Alano posts intriguing tweets about her unidentified 'rapist'

“Leave my rapist to God daw because the justice system has no sympathy for rape victims. Well, that needs to change doesn't it.”
Patuloy ang pangangampanya ni Kat Alano na mahikayat ang ibang biktima ng panggagahasa, katulad niya, na lumantad at ipaglaban ang kanilang karapatan.
Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account (@katalano) at blog site (askfm/kat_alano), naging bukas si DJ Kat sa pagbahagi ng kanyang mapait na karanasan, upang mas lumawak daw ang kaalaman ng publiko na ang rape ay isang krimeng laganap sa lipunan at kailangang matuldukan.
Kasabay nito ay ang espekulasyon kung sino ang “public figure” na tinutukoy ni Kat na siyang gumahasa sa kanya siyam na taon na ang nakalilipas.
Sa April 24 episode ng podcast show ni DJ Mo Twister na Good Times With Mo, matatandaang nabanggit ni Kat na ang lalaking humalay sa kanya ay ilang beses niyang nakasalamuha sa trabaho.
Ngunit tumanggi si Kat na pangalanan ang naturang public figure mula sa isang TV network, dahil sa takot na mauwi lang sa ito sa labanan sa pagitan ng dalawang showbiz personalities.
Basahin: Kat Alano recounts how she was raped by a public figure nine years ago
MORE CLUES? Ganunpaman, mabilis na naging usap-usapan sa social media ang kontrobersiyal na Twitter post ni DJ Mo noong Lunes, April 28.
Dito ay inihayag ni DJ Mo, na nakabase na ngayon sa New York, na marami sa mga sumusubaybay ng kanyang podcast show ang nagpaabot ng kanilang suporta para kay Kat.
Kalakip nito ang hashtag na “RhymesWithWrong,” na ayon sa netizens ay tila pinatutungkulan ang lalaking gumawa ng karahasan kay Kat.
Ang naturang post ay ni-retweet din ni Kat sa kanyang Twitter account:
Mo Twister @djmotwister : @katalano We had at least 3 callers today that either went through what u went through or had a message of support for you. #RhymesWithWrong
Agad lumutang ang pangalan ni Vhong Navarro, na pinaghihinalaan ng ilang netizens na diumano’y pinatatamaan ng hashtag ni DJ Mo.
Magkatunog daw kasi ang "wrong" at "Vhong".
Lalong tumindi ang espekulasyon sa social media nang i-retweet ni Kat ang isang mensahe ng kanyang Twitter follower kung saan nabanggit ang pangalan ng It’s Showtime host.
Mel K @roanvilla: Funny how @katalano does not mention vhong but his fans come to his defense anyway.
Bukod dito ay nag-retweet din si Kat ng mga mensahe ng kanyang Twitter followers na nagpapahayag ng kanilang disgusto sa ‘di pa nakikilalang lalaking nanggahasa diumano sa kanya.
Breaking free @katalano: So many victims coming forward saying they were afraid to speak. WHY ARE THEY AFRAID TO SPEAK PEOPLE?! #endrapeculture #freethevictims
Reeya Gaspar @Reeya0624 : @katalano isn't it about time he pays for the atrocities he has done? I am afraid with all the "support" he's getting, he might do it again
Neil Gozon Leyesa @neilgozon: @katalano Wag ka magpaapekto sa mga bashers na yan. Kitang kita naman kung sino sa mga fans nyo ni #RhymesWithWrong ang mas edukado. :)
Breaking free @katalano: Your words of encouragement mean so much. Thank you to everyone who has been reaching out. Staying strong for those who need strength!!
tanya garcia @iamontopalways: @katalano Just wondering why a lot of bashers are out, maybe even without naming your rapist they have a hint its their "savior"? Hmmmm
Sinang-ayunan naman ni Kat ang pahayag ni @Reeya0624 na dapat panagutan ng taong gumahasa sa kanya ang krimeng ginawa nito.
Reeya Gaspar @Reeya0624 : @katalano isn't it about time he pays for the atrocities he has done? I am afraid with all the "support" he's getting, he might do it again
Breaking free @katalano: @Reeya0624 Good point. You think the people supporting him have thought of that?
STILL NO CONFIRMATION. Ganunpaman, hanggang ngayon ay hindi pa rin pinapangalanan ni Kat kung sino ang tinutukoy niyang humalay sa kanya noon.
Breaking free @katalano: Sometimes the victims can't say it. But if you know who it is, why don't you? Let's help people speak. #endrapeculture #freethevictims
Wala rin siyang direktang kumpirmasyon o pagtanggi tungkol sa espekulasyong may kinalaman si Vhong sa panggagahasang dinanas niya noon.
Sa ngayon, nananatiling hati ang reaksiyon ng publiko hinggil sa isyu.
Ang iba sa kanila ay hinihikayat si Kat na pangalanan na ang taong nanggahasa sa kanya at panagutin sa batas ang tunay na may sala.
Breaking free @katalano: @Reeya0624 Good point. You think the people supporting him have thought of that?
April awanan @shycah10: @katalano then maybe u shud name the guy who raped u, coz ryt now every guy around u is a suspect, w/c is also unfair. dont u thnk?
Breaking free @katalano: @Reeya0624 Good point. You think the people supporting him have thought of that?
EL? @ThePrincess_EL: @katalano @Reeya0624 Guys if you think a rapist is still at large, then why not drop his name to end his game and get justice?!
Sa kabilang banda, marami rin ang nakakaintindi kay Kat kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maihayag ang gumawa ng karahasan sa kanya.
Breaking free @katalano: @Reeya0624 Good point. You think the people supporting him have thought of that?
Venus @qqrla: @katalano @Reeya0624 too easy to say. How bout dealing with a mob of 'fantards' and prejudged as a 'liar'.
Breaking free @katalano: @Reeya0624 Good point. You think the people supporting him have thought of that?
Venus @qqrla: @katalano @Reeya0624 i feel for you Kat. I pray for your peace of mind no matter how this all will end. -- Rachelle Siazon, PEP
Tags: katalano
More Videos
Most Popular