ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Imbitasyon ni Marian Rivera, pinaunlakan ni Gov. Vilma Santos para sa bago nitong dance show


Tinupad ng Star for All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos ang hiling ni Marian Rivera na maging special guest sa pilot episode ng bagong dance show ng Kapuso Primetime Queen sa GMA Network.

Bago ang taping ni Governor Vi sa programa ni Marian ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang actress-politician sa kanyang tanggapan sa Kapitolyo ng Batangas.

Dito ay nagkuwento siya tungkol sa imbitasyon ni Marian sa kanya.

“Oo, may bago siyang dance show si Marian at hinilingan niya ako na pumunta.

“Yung opening ‘ata, iniimbitahan niya ako.

“Sabi niya, ‘Please, Ate Vi, kahit na ten minutes ka lang nandoon dahil idol kita sa pagsayaw nung Vilma! days pa.



“Peg lang kita kaya sa opening ko, sana kahit ten minutes, gusto lang kitang makita na nandoon.’

“Baka pumunta ako, pero hindi ako sasayaw, papakita lang ako.

“I just want to show my Baby Marian my support.”

Maging si Marian ay madalas nakasuporta sa mga aktibidades ni Governor Vi sa Batangas.

Bukod pa rito ang pagpayag ni Marian na magkaroon ng guest role sa unang indie film ni Governor Vi, ang Ekstra, noong 2013.

Sinabihan na rin ba siya ni Marian tungkol kasal nila ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes?

Tugon ni Governor Vi, “Tungkol sa kasal, hindi pa.

“Pero yun ang ano namin, kapag natuloy sila ikasal, ninang ako.”

Totoo bang siya ang nagbulgar ng tungkol sa pinaplanong kasal nina Marian at Dingdong?
 
“Oo, ibinuking ko sila!” natatawang pag-amin ng Star For All Seasons.
 
LUIS-ANGEL WEDDING IN BATANGAS? Maraming celebrities ang nagpapakasal sa Batangas, at posibleng mapabilang dito sina Marian at Dingdong.

Hindi rin kataka-taka kung sa Batangas maganap ang inaabangan ding kasalan ng panganay na anak ni Governor Vi na si Luis Manzano sa nakabalikang girlfriend nitong si Angel Locsin.

Ngunit ayon kay Governor Vi, “Hindi pa namin napapag-usapan.”

Sa dami ng magagandang tanawin sa Batangas, may iminungkahi ba siyang lugar kung saan puwedeng gawin ang kasal nina Luis at Angel, kung saka-sakali?

Tugon niya, “I think they’re mature enough to decide for themselves.

“Basta sina Mommy, si Daddy [Edu Manzano], si Tito Ralph [Recto] niya, amen lang.

“Even si Angel is mature enouogh to decide.

“That’s why ganoon sila ngayon, kasi they’re both mature.

“So, let them be, because buhay nila yun.

“Dito kami to support, yun lang yun.”

Nagsabi na ba sa kanya si Luis na gusto nitong pakasalan si Angel?

Sabi ni Governor Vi, “Wala pa kaming ganoong usapan.

“But, again, si Angel ay hindi iba sa amin.

“Kaya hindi bago ang tratuhan, yung respect and love na meron, dahil ex naman si Lucky ‘yan noon, e.

“So, matagal, din naming nakasama si Angel.

“Unfortunately, it happened na nag-break sila. But now, they’re back.

“And siyempre, natutuwa kami na magkasama sila ulit and nakikita ko na ano, e, masaya silang dalawa.

“Ang tingin ko sa kanila ngayon, parang mas may respeto at mas mahal nila ang isa’t isa.”

Naiinip na ba siyang magkaroon ng apo kina Luis at Angel?

“Oo nga, e… kukunin ko yun kapag babae! My God, baby girl!” tawa niya. -- Julie E. Bonifacio, PEP