ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Roxee B reveals being bullied by fellow artists for her brown skin

Nakatulong daw nang malaki kay Roxee B—dating Roxanne Barcelo—ang pagrampa niya sa FHM 100 Sexiest Women of the World victory party na ginanap noong Miyerkyules, July 9, sa World Trade Center, para ipamalas ang naumpisahang singing career.
Bukod sa pagrampa, suot ang isang sexy outfit, nagkaroon din ng production number si Roxee.
Kuwento niya sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) matapos ang show, “Unang-una, nung sinabi nila sa akin na music yung theme at naboto uli ako, sobrang happy.
"Siyempre, ngayon desisyon ko na tumutok sa music muna.
“Nakakatuwa dahil the whole theme is music and everyone are music icons… amazing talaga.”
Ka-back to back ni Roxee na nagpasiklab sa kantahay at sayawan si Danita Paner.
Sabi ni Roxee, “In fairness, healthy competition naman.
"She was encouraging me and siya rin naman, ini-encourage ako.
"Pero pagdating sa dressing room, pabonggahan na rin.
“Nakakatuwa kasi she’s a beautiful person inside and out.
"Parang wala akong nakikita anumang negative sa kanya, she’s so positive. Amazing!"
VIVA CONTRACT. Panay ang promote ni Roxee sa kanyang singing career, kaya tinanong ng PEP kung hindi muna siya babalik sa pag-arte.
Tugon niya, “Sa ngayon, ilu-launch ko muna yung album ko, and kakapirma ko pa lang ng 10-picture contract with Viva, so sana... sana.
"I’ll be launching my album.
"Lahat ng mga kanta, konsepto ko yun, galing sa puso ko.
"I wrote two of the songs in my album."
Ano ang plano ng Viva sa kanya?
Tugon ni Roxee, “Unang-una, ang gusto ko sa kanila, tinanong nila kung ano ang gusto ko.
"And from there, Vic [del Rosario, Viva big boss] decided na, this year, 'Punta tayo sa music and then balik ka sa pag-arte.'
“Pero on the side, I’m hosting sa PBO every day, morning 'til night.”
Kilala ang Viva sa paglu-launch ng dating wholesome stars na naging sexy stars. Ibig sabihin, bukas din siya sa pagpapa-sexy nang todo o pagpapaka-daring?
Tugon ni Roxee, “May tiwala naman ako kay Boss Vic at sa buong Viva.
"Kahit ang Viva Records, gusto nilang mas sexy yung projection ko.
"Yun din ang tema ng music ko. Susundan ko muna yung tema ng music ko.”
NEW IMAGE. Kapapansin-pansin ang pagkakaroon ng lakas ng loob ni Roxee para ibahin ang kanyang image. Saan nanggaling ang desisyon niyang pagbabago?
Saad niya, “Yung totoong sagot, I had so much difficulty, I was bullied before.
"Hindi ko alam na normal pala yun before kapag nagwu-work ka.
“'Tapos na-realize ko na after hardships, saka ko nakilala yung sarili ko na, 'Teka, kahit anong mangyari, kailangan masunod yung gusto ko.'
“So, ngayon, willing na ako to do everything hangga’t kaya ko at kung saan ako masaya.”
Sinabi ni Roxee na sa showbiz niya naranasan ang pambu-bully sa kanya.
Pahayag ng dating Kapuso talent, “Such a long time ago.
"Well, yung unang pagpasok ko pa lang, 'Sino ba 'yang maitim na 'yan? Bakit siya nandito?'
“So, yun pa lang… basta, ang point ko, ngayon ginagawa kong positive yung mga dating sinasabi nilang nega [negative] sa akin.
“Yung sinasabi nilang maitim ako, I came out with a song na 'Morena.'
"Maganda ang morena kahit hindi masyadong naa-apreciate.
"I see a lot of women na morena and they’re beautiful inside out, yun ang gusto kong ma-feel ng mga tao.”
Hindi na pangalanan ni Roxee ang mga taong nam-bully sa kanya noong baguhan pa lang siya, pero inamin niyang mga artista ang mga ito.
BACK TO GMA. Naging talent ng GMA si Roxee nong Roxanne Barcelo pa ang screen name niya.
Pero ngayong iba na ang image niya, nahihirapan ba siyang bumalik sa dati niyang home network?
Paglilinaw niya, “Hindi naman po ako nahihirapan.
"Nakakatuwa nga po kasi tuwing may project ako, tinutulungan pa rin ako ng GMA. Na-appreciate ko naman yun.
"Pero ngayong freelance ako, doon muna tayo sa iba’t ibang network.”
Wala bang offer na kontrata sa kanya ang GMA?
“Sa Viva po muna tayo. Sila ang nakikipag-usap. Hindi ko pa alam yun.” -- Rey Pumaloy, PEP
More Videos
Most Popular