ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Kris Aquino, 'give up' na nga ba sa pagkakaroon ng lovelife?
Give up na si Kris Aquino magkaroon ng lovelife? Parang ang aga niya namang sumuko agad?
Natawa nang malakas si Kris at sinabing, “Oo, give up na!
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Kris sa Yahoo! OMG Awards noong Biyernes, July 18, sa MOA Arena.
“Hayaan mo na lang muna. Parang hindi talaga doon ang suwerte.
“And siguro, kung anuman… parang as it is now, masasabi kong okey ako kasi kailangan pa ako ng mga anak ko.
“Kasi seven lang si Bim [Bimby], nineteen lang si Josh.
“Siguro ‘pag hindi na nila ako kailangan, doon ko mapi-feel na sad ang buhay.
“But while you feel needed in love, it’s okay.”
DEREK RAMSAY. Paano ilalarawan ni Kris ang closeness nila ngayon ni Derek, at kung paano siya tinulungan ng aktor na mag-heal sa failed relationship nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista?
Saad ni Kris, “Kasi mabait siya talaga.
“Kasi, I think, nasabi rin niya ito sa interview na, maraming beses na immediate family mo lang ang puwede mong hingan ng samaan ng loob.
“Pero minsan, ang pamilya mo rin ang nagsasawa na sa angst mo, ‘di ba? So, dapat may ibang sounding board.
“’Tapos, napi-feel ko with him na whatever I tell him, nagkakaroon ako ng male perspective.
“Alam mo naman na halos lahat ng friends ko, bakla. I mean, yun ang mga pinaka-close ko—si Vice [Ganda], si Boy [Abunda]. Puro gay.
“’Tapos yung mga staff ko, katrabaho ko lahat. So, walang male.
“So, sabi ko nga kay Derek, ang suwerte ko kasi siya yung isa sa mga or natatangi na alpha male na naging kaibigan ko, na puwedeng sabihin sa akin, na puwedeng diretsuhin na, ‘Can you just stop? Don’t waste your time.’
“Yung ginaganun ako na talaga na parang, ‘Stop, don’t waste your time. Cut it off!’
“Alam mo yung sa Sex In The City na he’s not that into you, na kailangang yung lalaki lang ang magsasabi sa iyo nun?
“Yun ang papel niya.
“Pero, at the same time, ‘pag malungkot ako, gumagawa talaga siya ng paraan.
“Sa gitna nga ng bagyo, sabi ko, ‘You know, yung mga constituents ng friend ko, sobrang matutuwa na makita ka kahit bumabaha, please.’
“So, gagawan niya talaga ng paraan pumunta.
“’Tapos yung The Fault In Our Stars, noong nanonood kami, hagulgol ako nang hagulgol. Lukang-luka siya sa akin!
“Nakagitna ako, dito si Bim… silang dalawa talaga abot nang abot ng tissue sa akin. Iyak lang ako nang iyak.
“Sabi ko, ‘Hayaan ninyo, may pinagdaanan lang.’”
STAY POSITIVE. Ano yung sinabi ni Derek para mag-heal na siya totally at makalimutan ang pagkabigo ng kanyang puso?
Ayon kay Kris, “Ay, hindi naman ano… wala naman siyang sinasabing ganun, hinahayaan lang niya ako.
“Pero ang sinabi lang niya na, ‘I hope you’ll realize that not all men will hurt you.’
“Na parang huwag ko raw isara ang puso ko sa possibility na merong lalaki na magiging totoo na talagang magmamahal at magiging faithful, at magiging kagaya nung dad niya sa mom niya na forty years na at walang problema.
“Kasi sabi niya, ‘You know, if you’re gonna think negatively, it’s really gonna end up negative.’
“But sabi ko, ‘Derek, suko na ako. Kung wala, okey lang.’
“’Tapos sabi niya, ‘Oh, my god!’
“Sa kakasabi ko raw ng ganun, lalo raw magiging wala.
“E, sinabi ko, ‘Lahat naman ng ipinakikilala ko sa iyo…’ Recently kasi ipinakilala ko sa kanya, tinatanggihan naman niya.
“Sinasabi niya na huwag na ‘yan.”
BIMBY & JOSHUA. Kumusta naman ang relationship nina Bimby at Joshua kay Derek?
Saad ni Kris, “We’ve only been going out twice, pero alam mo yun?
“Bimby’s the sweetest, kasi sinabi niya na, ‘You know, whoever makes my mom happy, that’s cool with me.’
“Kasi tinanong siya ni James [Yap, Kris’s ex-husband] dati, ‘Oh, you like him?’
“’Tapos sabi ni Bim, ‘You know, my mom told me that if your girlfriend is nice to me, I should like her. So, that’s why, I think whoever’s nice to my mom, nice to me, I also like.’
“Kasi ganun naman talaga e. We all deserve to move on.” — Rey Pumaloy, PEP
Tags: krisaquino
More Videos
Most Popular