ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Biro ni Kris Aquino kay Mayor Herbert Bautista: 'Hindi nananakit si Mayor, damdamin lang…'


Mula nang maiulat ang breakup nila noong Abril, nagkaroon na ng pagkakataon si Kris Aquino na makapanayam ang dati niyang boyfriend na si Quezon City mayor Herbert Bautista. Nagawa pa ngang magbiro ang television host-actress kaugnay ng kontrobersiyal na pagsampal ng alkalde sa isang hinihinalang drug dealer na nadakip sa lungsod nitong nakaraang linggo.
 
Sa artikulong isinulat ni Bernie V. Franco sa Philippine Entertainment Portal nitong Martes, sinabing nakapanayam ni Kris si Herbert sa programa nitong Aquino & Abunda Tonight nitong Lunes ng gabi.
 
Wala si Boy kaya tanging si Kris lang ang nag-interview sa alkalde.

Basahin: Ex-lovers Kris Aquino, Herbert Bautista avoid crossing paths at SONA

“Hindi natin aakalaing mangyayari ito, but it’s happening tonight,” ani Kris tungkol sa guest niya na si Herbert.

Ayon sa ulat, may mga pahaypaw na panunukso si Kris sa alkalde sa takbo ng panayam.

Sinabi rin ni Kris na magkaibigan na sila ngayon ni Herbert.

Nang mapag-usapan ang ginawang pagsampal ni Herbert ng dalawang beses sa isang Chinese national na nahulihan ng P15 milyong halaga ng shabu, nilinaw ng alkalde na, by nature, hindi siya sanay na nananakit nang pisikal.

Basahin: Mayor Herbert Bautista, 'di nakapagtimpi sa hinihinalang Chinese drug dealer

Sabi naman ni Kris, “Physically ha, sinabi mo, kinlaro mo ‘yon, Mayor.”

Ang naturang sinabi ni Kris ay nagpatawa sa ilang tao na nasa loob ng studio.

Sa pagtatapos ng interview, may dagdag na hirit si Kris tungkol sa sinabi ng alkalde, "Hindi nananakit si Mayor [ng pisikal], damdamin lang…”

“Pasensiya ka na. At least friends na tayo,” dagdag ni Kris.

Kaugnay nito, inihayag ni Herbert na ipinapaubaya niya sa kaniyang partido na Liberal Party (LP) kung anong posisyon ang posible niyang takbuhan sa 2016 elections.

Umuugong kasi na posibleng tumakbo sa mas mataas na posisyon si Herbert pero mas nais daw sana niya na tumakbong muli bilang alkalde ng lungsod. -- FRJ, GMA News