ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Don Allado, may ibang babae, ayon kay Maricar de Mesa

“Yung poot, yes, oo, meron pa. Hindi agad mawawala ‘yon.”
Ito ang pahayag ng aktres na si Maricar de Mesa tungkol sa kanyang nararamdaman ngayon tungkol sa estranged husband na si Don Allado, isang professional basketball player.
Dagdag niya, “Can I just say, I don’t follow him anymore sa lahat ng mga accounts niya [sa social media]?
Basahin: Maricar de Mesa surprised by Don Allado's decision to separate
“Dahil sa poot, pinipilit ko pang gawin ‘yon [mag-move on].
“Sana mag-behave siya dahil yung mga nakakarating sa aking mga bali-balita, medyo hindi nakakatuwa.
"Hindi ako happy sa mga ‘yon.
"Pero siyempre, sabi nga nila, kailangan mag-move on."
Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press si Maricar sa Converse Fall 2014 Collection launch nitong Martes, August 19.
Inusisa si Maricar kung ano ang mga naririnig niyang bali-balita tungkol kay Don.
“Third party. Yun na lang…” maiksi niyang sagot.
May third party noong sila pa?
“Yeah,” mahinang sagot ni Maricar.
Nang kumpirmahin ni Maricar ang paghihiwalay nila ni Don noong Mayo, sinabi ng aktres na hindi third party ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Ngunit ngayon ay iba na ang pahayag ng aktres.
Sabi pa ni Maricar tungkol sa diumano'y karelasyon ni Don, “Non-showbiz siya, pero kilala ko siya.
"Hindi ko siya kaibigan pero acquaintance. At the same time, pareho yata kami ng pangalan."
Mayroon ba siyang intensiyong kausapin si Don tungkol dito o kaya ay ang tinutukoy na babaeng nali-link sa cager?
“Wala, I don’t wanna go down to their level,” sagot ni Maricar.
May plano ba siyang dalhin sa korte ang reklamo niya kung totoo mang nagkaroon ng affair si Don sa iba habang nagsasama pa sila?
“Yung court part, hindi ko pa alam. I have not really spoken with my lawyer yet about it.
“Hindi ko alam, baka hindi na, para sumaya na ako, para gumaan na yung pakiramdam ko.”
Inusisa rin si Maricar kung ano ang gagawin niya kung sakaling mag-krus ang landas nila ni Don.
“Sana huwag kaming magkita. Hindi ko talaga siya kayang makita. Huwag siyang magpakita sa akin,” may halong gigil na sabi ni Maricar.
Iniisip na rin daw ni Maricar na umalis sa bahay nila ni Don ngayong siya na lang ang nakatira rito.
Sa trabaho raw muna itutuon ni Maricar ang kanyang atensiyon. May planong maging bahagi siya ng isang pelikula para sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.
Wala pang reaksiyon si Don sa mga ipinahayag ni Maricar. -- Bernie V. Franco, PEP
For more on this story, visit PEP.ph
Tags: maricardemesa
More Videos
Most Popular