ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Judy Ann Santos, tiniyak na 'di mauuwi sa suicide ang depresyon ni Sharon Cuneta

Isa si Judy Ann Santos sa unang nakaalam na nakararanas umano ng depresiyon ang Megastar na si Sharon Cuneta. Sa Facebook account ni Sharon nitong nakaraang Lunes, isang emosyunal na open letter ang ibinahagi nito sa kanyang mga tagahanga na humihingi siya ng paumanhin.
Kabilang sa post ng Megastar ang paghingi niya ng paumanhin dahil sa pagpapabaya niya sa sarili, na sa tingin niya ay pagbigo niya rin sa kanyang mga masugid na tagahanga.
Bago ang Facebook post niyang ito, ibinahagi ni Sharon na pumunta si Judy Ann at asawa nitong si Ryan Agoncillo sa kanilang bahay para damayan siya sa kanyang nararamdaman.
Ayon kay Judy Ann, hindi naman nawala ang ugnayan ng kaniyang Ate Sharon at nagkakapalitan din umano sila ng text messages paminsan-minsan.
At dahil matagal na rin silang hindi nagkikita, nagpasya raw silang mag-asawa na bisitahin ang Megastar noong Lunes, August 18.
"Para lang makumusta, para lang makapag-usap, makipagkuwentuhan... ganun naman kami," ani Juday.
"Ako, I’m very grateful na hanggang ngayon ay na-preserve ko ang friendship namin, kasi it’s something na hindi mo makikita sa ibang tao," dagdag ng aktres.
Patuloy ni Judy Ann, maayos naman ang kalagayan ng kaniyang Ate Sharon, na naging malapit niyang kaibigan mula nang magkasama sila sa pelikulang Magkapatid noong 2002.
"She’s doing okay. She’s coping, she’s trying to work things out," pahayag ni Judy Ann nang makapanayam ng press sa presscon ng kaniyang tv project.
"She said naman in her post na medyo nandun siya, dumaan siya sa state of depression and state of loneliness.
"Pero all I can say now is ang daming acceptance and realization ni Ate.
Nang tanungin kung ano ang ipinayo niya sa kaniyang Ate sa showbiz, sagot ni Juday: "Ay, ang sabi ko lang sa kanya is, ‘Ate, go, halika na at tumakbo na tayo!'"
Tiniyak naman ni Judy Ann na hindi darating sa punto na magiging suicidal si Sharon kahit pa dumadaan ito sa depresyon.
"Siya mismo ang nagsabi na hindi mangyayari ‘yon."-- For more on this story, visit PEP.ph
Tags: sharoncuneta, depression
More Videos
Most Popular