ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Cesca Litton on Balesin bump-off: 'The issue is not Heart nor Chiz'
“The issue here is not Heart nor Chiz, it's the way Balesin handled it.”
Ito ang panibagong pahayag ng TV personality na si Cesca Litton sa kanyang Twitter account (@checklit) kagabi, September 3.
Kaugnay pa rin ito ng nangyaring aberya sa dapat sana’y kasal niya sa exclusive resort na Balesin Island Club, sa Quezon province, sa February 14, 2015.
Lumabas ang balitang na-bump off daw ang kanilang reservation dahil sa pagbibigay ng may-ari ng resort na si Robert Ongpin ng nasabing araw sa newly-engaged couple na sina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero.
Sa naunang pahayag ni Cesca, sinabi niyang dalawang beses na silang nakapag-ocular at food tasting sa Balesin.
Ilang beses na rin daw nilang tinanong sa Balesin ang naturang date at laging tugon sa kanila ay available pa ito.
Kaya nagulat daw sila ng kanyang fiancé na si Tyke Kalaw nang sabihin ng kanilang wedding coordinator na naaprubahan na ang February 14, 2015 para kina Heart at Chiz.
Kaugnay nito, parehong nilinaw nina Heart at Chiz na wala silang alam sa mga pangyayari tungkol sa isyung ito.
Samantala, sa pahayag naman ng may-ari ng Balesin Island Club na si Robert Ongpin, sinabi niya, “Nobody has been ‘bumped off.’”
Paliwanag niya, siya mismo ang nagbigay ng February 14, 2015 slot kina Heart at Chiz matapos ma-check sa kanilang Reservations na wala pang nakakapagpa-book nito.
Sa kabilang banda, sa comment ni Tyke sa Instagram post ng fiancée niyang si Cesca (checklit) kahapon, nagbigay rin siya ng detalye tungkol sa isyu sa Balesin.
Aniya, “We asked to reserve Balesin for February 14 in May, and that is already considered pencil booking.
“We tried to make a down payment and reserve the entire Balesin village for this occasion. We’ve been trying to since May.
“Balesin did not let us because Mr. Ongpin did not approve it yet. They said everything is a go pending Mr. Ongpin’s approval and that he was already informed that we wanted to reserve the date.
“I was furious on Saturday when I found out the reason we were disapproved.
“The reason they gave me was Heart and Chiz called Mr. Ongpin wanting the same date for their wedding.”
Ang Balesin Island Club ay isang members-only resort sa Quezon province at si Tyke ay isang miyembro rito. — Nerisa Almo, PEP
More Videos
Most Popular