ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Lawrence on rumored breakup with Katrina Halili: 'Ayoko pong pag-usapan'


Nag-guest sa Sunday All Stars noong Linggo ang ina ng anak ni Kris na si Katrina Halili.
 
Pero marami ang nakapuna na parang hindi sila nagpapansinan ng Kapuso actress.
 
Totoo ba ang usap-usapang break na raw sila?
 
Iwas ni Kris, “Huwag na nating pag-usapan po ‘yon. Ayoko pong pag-usapan.”
 
May problema ba silang dalawa?
 
“Okay naman kami, we’re okay… okay kami as parents,” tugon niya.
 
Reading between the lines, it seems mayroon nga silang hindi pagkakaunawaan ni Katrina ngayon.
 
“Siguro po,” matipid niyang tugon.
 
Not living in

Nilinaw ni Kris na bagamat mayroon silang anak ni Katrina ay hindi sila kailanman nagsama sa iisang bubong. Pero magkalapit lamang daw ang kanilang mga tirahan.
 
Saad niya, “Well, you know, we don’t live too far from each other. 
 
“Walking distance na two blocks away lang. So, I was always there. 
 
“I visit Katy every night… every day. I put her to sleep.
 
“Maybe five out of the seven days a week ‘pag wala akong work.
 
“’Yon, I was singing her to sleep.
 
“I make sure that daddy is the last thing and the last voice that she hears.”
 
Naiuuwi rin ba niya si Katrence sa bahay niya kung minsan?
 
“Uhm… bihira po,” sambit niya.
 
Yung ibang couples, kapag nagkaanak na, kahit hindi man ikasal agad ay nagsasama na sa isang bahay. Bakit hindi sila nag-live in ni Katrina?
 
Tugon ni Kris, “Siguro… wala po. It’s just always been like that.”
 
Talagang ganun ang ginusto nilang set-up? Ang magkahiwalay pa rin sila ng bahay kahit may anak na sila?
 
Diin niya, “Well, to begin with, we were never married. 
 
“May mga nag-iisip na we’re married, pero we’re not married.”
 
Ano ang dahilan at hindi sila nagsama kahit may anak na sila?
 
“Just no comment na lang,” iwas ng Kapuso singer.
 
Nag-uusap pa rin ba sila ni Katrina hanggang ngayon?
 
Sabi ni Kris, “Opo, every day.
 
“Basta okey po kami. We’re functioning as parents for Katy. 
 
“And iyon lang po ang masasabi ko, okey kami. 
 
“Okey kami para sa anak namin.” — Ruben Marasigan, PEP