ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Derek Ramsay warns of poser making 'indecent proposals' in exchange for condo unit


Isang poser ng aktor na si Derek Ramsay ang balitang kumokontak sa ilang real estate agents, nagpapanggap na siya ang aktor, naghahanap ng isang condo unit at kapalit nito ay nag-aalok ng indecent proposals sa ilang nakakausap na mga ahente.

Sa phone interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Derek ngayong Sabado, September 13, nagbabala ang hunk actor na huwag i-entertain ang tawag at texts ng nasabing poser niya lalo’t nag-aalok ito ng indecent proposals sa mga ahenteng nakaka-usap

Kuwento ni Derek, “It’s kind of annoying.

“Actually, may nagsabi sa akin niyan a few months ago. Nagpasalamat ako sa taong yun pero parang 'di na niya ako kinontak so pinabayaan ko na lang.

“And then may nagkontak uli sa akin, natuwa nga ako kasi this person is caring enough to trying to contact me na there’s this guy na tumatawag sa mga ahente na bumibili daw ako ng condo para sa nanay ko na kaboses ko daw and all.

“Binigay ko ang number ko to this person and I called, sabi ko ikuwento niya kung ano ba nangyari.

“Yun nga, tumawag, nagsasabi na siya si Derek Ramsay and he’s interested in buying a condo for my mom daw.

“I guess kilala niya ako kasi alam nila kung gaano ako kalapit sa pamilya ko.

“Makikipag-meet 'tapos 'di pupunta, 'pag tumatawag yung agent sa kanya 'di niya sasagutin, 'tapos the following day daw tatawag, magte-text, sasabihin I’m not feeling well 'tapos makikipaglandian na to the agent.

“Ang sabi nung isang nakausap ko na girl, he gave me a number over Twitter, she sent me a direct message, she told me na nag-o-offer daw ng indecent proposal.”

Tracking down the poser

Ayon kay Derek ay malakas ang loob ng nasabing poser niya dahil kahit nagbabala na siya na ipapa-track niya ang nasabing number ay hindi nito pinapatay ang kanyang telepono.

Patuloy niya, “Tinawagan ko yung number nung poser, matapang, 'di niya pinapatay.

“Sinagot niya once, 'di nagsalita 'tapos I kept calling and calling 'di naman niya pinapatay yung phone.

“Sinabihan ko rin siya na ipapa-track namin yung number niya 'pag 'di siya tumigil, naka-on pa rin yung cellphone niya.

“I put the cellphone on Twitter, ang daming tumatawag sa number na yun and they told me na 'di nga sumasagot yung poser pero ayaw talaga niyang patayin yung phone.”

Nagsabi na rin ang aktor sa mga kinokontak ng kanyang poser na huwag na huwag makikipagkita dito kapag nakipag-scehedule ng meeting.

“I just told them if they contact you, kasi kumokontak pa rin daw, nakikipag-meet.

“Sabi ko huwag silang makipag-meet kasi delikado ‘yan. I’ll take care of it, ire-report ko na lang, 'tapos may pinadala nga sa akin yung isang fan na website nga na yung mga scammers, naka-report yung number na yun dun,” saad pa niya. — Arniel C. Serato, PEP

For more on this story, visit PEP.

Tags: derekramsay