ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Bernal sa naging relasyon nila ni Carl Guevara: 'I think ginawa ko na yung best ko'


 

Patuloy sa kanyang sentimiyento si Kris Bernal kaugnay sa mga rebelasyon ng ex-boyfriend niyang si Carl Guevara tungkol sa kanilang relasyon at rason ng breakup nila.

Ayaw man daw niyang magsalita, hindi na napigilan ni Kris na ilabas ang kanyang mga saloobin tungkol sa hiwalayan nila dahil sa mga pahayag ni Carl tungkol sa kabanata sa buhay nilang dalawa na dapat ay sarado na.

Saad ng Kapuso actress, “First I was surprised, nagulat ako na parang he’s telling everyone that we had a two-year relationship.

"Well, oo. Ako, iisipin ko na ganun nga siya katagal.

“Pero ako kasi, hindi ko na siya nabilang, it was an on-and-off relationship. 

"Pero siya, kinunfirm [confirmed] niya 'ata na talagang naging kami and two years yun.

“Hindi ko naman siya masisisi, hindi naman sumasama ang loob ko doon. 

"Kaya lang, for me, naging tahimik ako and ipinaglaban ko kung ano ang relasyong meron kami.

“Nagulat ako na sinasabi niya lahat nang ito ngayon.

“Nagugulat din ako sa mga sinasabi niya na parang naging tanga raw siya. 

"Na hindi ko naman alam kung kailan at paano.

"Kasi kung ako ang tatanungin, parang hindi tama na sabihing naging tanga siya.

“Ayokong sabihing siya ang may kasalanan, pero may pagkakamali rin siya. 

"Kaya huwag niyang sabihing naging tanga siya.

“Kaya nga naging on and off yung relationship namin dahil nga may mga hindi na kami napagkakasunduan. 

"I think ginawa ko na yung best ko, I adjusted sa mga gusto niya at I’ve given my all.

"Yung mga oras ko, yung makakaya ko, 'tapos parang ako pa yung masasabihan na... sasabihin niya na tanga siya, ganun?

“Kasi feeling ko, hindi ako nagkulang doon.

"Kung on and off yun, may pagkakamali siya doon."

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa GMA Studios noong September 14.

Sinabi ni Kris na kung may pagsisisi si Carl, sa parte niya ay wala.

"Kasi, honestly, I learned a lot from the relationship.

“Ang dami kong natutunan at saka feel ko rin na marami siyang natutunan.

“Kung nagsisisi siya, okay, fine.

"Pero kung ako ang tatanungin, hindi ako nagsisisi.”

Sinagot ni Carl ang isyu na hindi umano siya nagpapaalam kay Kris sa mga pinupuntahan nitong mga gimik.

Sa naging takbo ng komento ng model-turned-actor, parang lumalabas na possessive si Kris sa nasabing boyfriend niya.

Sagot ni Kris dito, “It’s not that I’m possessive. 

"It’s just that nature ko lang na… I’m so protective and maalaga akong tao.

“Yes, lumalabas siya noon na hindi niya sinasabi sa akin, tumatakas siya. 

"Marami akong nakikitang mga pictures na may mga kasama siya na hindi ko gusto.

“Ang babaw sige kung iisipin ninyo, pero paulit-ulit na. 

"Hindi lang siya nangyari nang ilang beses, siguro naka-six times na niyang nagawa yun, napuno na rin ako.

"Ano ba? Nag-adjust na ako, bakit kailangan pa ring magtago, bakit kailangan pa ring magsinungaling?"

Giit pa ni Kris, naging mabait naman daw siya sa dating boyfriend.

“Naisip ko, naging mabuti naman ako, naging mabait naman ako.

"Wala naman siyang masasabing hindi maganda, never siyang makakakita sa akin ng butas o mali.

"Never ko naman sinasabing perfect ako, pero yung ganung klaseng bigat na problema, wala siyang makikita.

“Pero bakit ganun yung balik sa akin ni Carl?”

Ayon sa interview ni Carl, hindi na raw nito kailangang magpaalam dahil ang mga kasama lang niya ay ang mga kapatid niya, miyembro ng pamilya, o mga kaibigan.

Tugon dito ni Kris, “Sa totoo lang, napag-usapan na namin 'yan ni Carl. 

"Kasi, sa totoo lang, when he gets drunk, talagang he becomes a different person. Nag-iiba siya.

“Hindi ko basehan yung mga kasama niya, yung mga kapatid niyang kasama niya. 

"It was because meron akong nakikita sa mga pictures na ibang kasama na nalalaman ko na may kuwento kung bakit kasama niya yung ibang tao.

“Hindi ito mga taong kaibigan lang niya o ano. 

"Yung mga taong kakakilala lang niya sa bar o mga babaeng nakakasama niya na hindi ko naman kilala.

“Ang point ko nga, bakit kailangan mong tumakas? 

"Bakit kailangan mong magtago sa akin e pumapayag naman ako, okey naman sa akin na uminom ka?

“At tinanggap ko yun sa kanya kahit hindi ako umiinom na tao. 

"Sige, kahit kailan mo gusto, kahit kailan mo gusto umuwi, okey lang.

“Yun lang, pumayag na ako, bakit kailangan mo pang tumakas?

“So, ano bang iisipin ko, 'di ba? 

"'Tapos nakakakita pa ako ng ilang pictures, ang dami-daming pictures.

"Ang dami-daming kuwento na may mga iba na nga siyang kasama na nakakakilala lang niya sa bar."
 
Bakit sinabi ni Carl sa interview niya na napagod umano siya sa relasyon nila? Parang nasasakal ba siya sa relasyon ninyo?

Saad ni Kris, “Ewan ko, sa totoo lang, lahat naman okey sa akin. 

"Oo, may time naman na nasasakal ko siya, pero dahil gusto kong mag-work yung relationship.

"Talagang nag-adjust ako. Pinayagan ko na siya," ayon kay Kris. -- Rey Pumaloy, PEP

For the full story, visit PEP.