ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Teen star Daniel Padilla speaks out on leaked audio controversy


Kung noong una ay iwas pang sagutin ni Daniel Padila ang isyu tungkol sa kontrobersiyal na audio-video—kung saan dinig ang pakikipag-usap ng young actor sa kanyang kaibigan tungkol sa pagti-text sa kanya ng isang babae—ay hinaharap na niya ito ngayon.
 
Inamin ni Daniel na siya nga ang isa sa mga nagsasalita sa naturang audio-video.
 
Pahayag niya, “Talagang lahat pinagdadaanan ‘yan.
 
“Isipin na lang natin na may mga tao pa na mas malala ang problema kaysa sa akin.
 
“Nagpapasalamat na lang ako sa Diyos na binigyan Niya ako ng ganitong problema.
 
“At least, ako, tumatag ako lalo sa pagdarasal, lalong naano yung faith ko sa Diyos.
 
“Nagpapasalamat ako dahil natututo ako sa mga pagkakamali.
 
“Wala, e, ganun talaga, kahit kanino nangyayari ‘yan.
 
“Diyos nga, ‘di ba, inano pa? Ako pa?”
 
Totoo bang isang kaibigan niya ang nagpakalat ng naturang audio-video sa social media?
 
Sabi ni Daniel, “We’re not really that close, but still a friend.
 
“Nangyayari talaga… hindi ko naman alam, baka sa isang kaibigan, pero okay lang yun.”
 
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Daniel sa ticket selling ng Himig Handog P-Pop Love Songs 2014, sa Smart Araneta Coliseum, noong Lunes, September 22. — Melba R. Llanera, PEP