ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Billy Crawford shrugs off fake sex video of girlfriend Coleen Garcia




Ipinagkikibit-balikat lamang ni Billy Crawford ang sex video hoax ng girlfriend niyang si Coleen Garcia na kumalat sa social media nitong mga nakalipas na linggo.

Nataon pang kasagsagan din noon ng pagkaka-detain ni Billy sa Taguig Police Headquarters dahil gumawa siya ng eksena sa isang presinto doon.

Sabi ni Billy tungkol sa fake sex video ng kasintahan, “Na-timing nga na nasa loob ako kaya wala akong alam…

“Alam ko namang ‘di totoo ‘yan, natawa na lang si Coleen after.

“There are lot of important things to do.

“Nagpapapansin lang ang mga tao, gawa-gawa sila ng mga istorya.

“Wala naman tayong magagawa diyan, walang basagan ng trip.”

Ayon kay Billy, hindi niya tinanong o hindi nila pinag-usapan ito ni Coleen.

Sabi niya, “I don’t have to ask. I’m confident enough na walang katotohanan ‘yan, that it’s not true.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Billy sa studio ng It’s Showtime noong Lunes, September 29.
 
Kinontra rin ni Billy ang sinasabi ng ilan na tila may “sumpa” sa mga host ng programa dahil sunud-sunod ang mga kontrobersiyang kinasasangkutan nila.

Sabi niya, “I don’t believe in that… [God] puts all of us to trials para malaman lang natin na to have faith and to trust Him.”

Nang ma-detain si Billy ay may mga lumabas na espekulasyon tungkol sa babaeng kasama niya noong oras na iyon at ang hindi pagsama sa kanya ni Coleen.

Pero naipaliwanag na ng magkasintahan na ang kasamang babae ni Billy noong ma-detain siya ay kaibigan ni Coleen.

Tapat din daw siya sa relasyon nila ng kasintahan.

Handa naman daw si Billy na harapin ang reklamong inihain laban sa kaniya.

“Of course, wala naman akong ginawang masama kaya haharapin ko yun.

“Settlement? That’s not any of my concern, that has to do with my lawyers na lang,” pahayag nito. --
Melba R. Llanera, PEP
 
For the full story, visit PEP.