Filtered By: Showbiz
Showbiz

Mommy D still wants a baby, but boyfriend Michael not keen on idea


Dinaluhan ng Startalk, showbiz talk show ng GMA Network, ang dedication ng bunsong anak nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Israel, noong September 28, sa General Santos City.
 
Ang isa sa pumukaw ng atensiyon sa mga dumalo sa handaan ay ang pagdating ng ina ni Manny na si Dionisia Pacquiao, 65, kasama ang kasintahan nitong si Michael Yamson, 38, isang seaman na tubong-Iloilo.
 
Nagpaunlak ng panayam ang dalawa at naging open sila tungkol sa nararamdaman nila sa isa’t isa.
 
Inamin ng magkasintahan na nagli-live in na sila.
 
Naghihintay lang daw si Michael ng tawag na sasakay na siya sa barko.
 
Kaya nagsasama na muna sila sa tahanan ni Mommy Dionisia, at ang tanging libangan lang daw nila ay mag-videoke.
 
Wala pa raw sa plano ang kasal. Pero sabi ni Mommy Dionisia ay darating din daw sila doon.
 
Ngunit ayon kay Michael, “Hindi pa pinag-uusapan.
 
“Ang importante kasi yung magwu-work out, saka maging stable ang relationship namin with the family, both sides.”
 
Sa loob ng walong buwan ng kanilang relasyon ay napagtanto na raw ni Michael na si Mommy Dionisia ang gusto niyang makasama habang buhay.
 
Sabi niya, “Hindi ako mahilig mag-promise.
 
"In God’s grace na pagtibayin yung nararamdaman ko sa kanya, handa akong tumagal sa piling niya.
 
"Kasi siya na talaga yung napagdesisyunan ng puso ko.
 
“Kasi 'di ko na kailangan maghanap ng iba para maging masaya ako.
 
“Sa kanya, masaya na ako, wala nang iba.”
 
Baby talk
 
Sa tono ng mga pahayag ni Mommy Dionisia, parang gusto pa niyang magkaanak sila ni Michael, sa kahit na anong paraan.
 
Pero ayaw raw ni Michael na mabuntis siya at baka ikamatay lang daw niya ito.
 
Pahayag ni Mommy D, “Gusto tarang i-inject sa kanyang semilya sa aking kuwan. I-inject na lang. Ayaw niya.
 
“’Pag magkaanak ka sa edad mo, baka mamatay ka. Wala na akong asawa. Natatakot akong… ayoko,’ takot siya.
 
“’Di na puwede, ‘Day. Huwag na. Takot ako, baka mawala sa akin, ayoko.’”
 
Ang mahalaga, sabi ni Michael, masaya silang dalawa lang kahit maraming nagdududa sa kanilang pagmamahalan.
 
“Mas maganda na yung masaya na kaming dalawa lang,” aniya. — Gorgy Rula, PEP

For the full story, visit PEP