ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Jennylyn Mercado insists she and ex-boyfriend Dennis Trillo are just friends

Balik-trabaho ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado matapos ang halos dalawang linggo niyang concert tour sa Europe noong kalagitnaan ng buwan ng Setyembre.
Una siyang sumabak sa trabaho sa Sunday All Stars noong Linggo, October 5, mula nang bumalik siya ng Pilipinas.
Dito eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jennylyn.
Ipinaliwanag ni Jennylyn kung bakit hindi siya bumalik agad sa trabaho pagkagaling niya sa Europe.
“Kasi yung jet lag, e. Iba yung nagagawa niya sa katawan natin, e.
“Iba yung time. Minsan nakakahilo.
“Hinintay ko munang mag-subside yung jet lag ko saka ako nagtrabaho.”
Kuwento naman ni Jennylyn sa kanyang tour sa Europe, “Show yun. Meet and greet [sa Pinoy fans], picture-taking, sponsors meet...”
Bago pa umalis si Jennylyn, nasabi niya sa amin kung gaano siya ka-excited sa tour na ito. Inaasahan din daw niyang makakapagbakasyon siya doon sa gitna ng kanyang shows.
Kinumusta ng PEP sa Kapuso star kung nagawa niyng umikot sa mga lugar na pinuntahan niya.
Saad niya, “May mga times na ganun, pero saglit na saglit lang.
“Nakapag-shopping naman nang konti, pero konti lang.”
Paglilinaw pa ni Jennylyn, “Hindi siya bakasyon, e.
“Nakakalungkot dahil hindi ko na-enjoy. Hindi ako nakapagbakasyon talaga.
“So, nagtrabaho lang talaga ako.”
DENNIS TRILLO. Wala raw nagpalipad-hangin kay Jennylyn habang nagsu-show siya sa London.
“Boring, ‘no?” bulalas niya.
Wala ba talaga siyang lovelife ngayon?
“Wala, wala…” sagot ni Jennylyn.
Bakit hindi yata matapus-tapos ang balita tungkol sa diumano’y pagbabalikan nila ng ex-boyfriend niyang si Dennis Trillo?
Saad ng 27-year-old actress-singer, “Hindi ko nga rin alam, e.
“Siguro dahil may duet kami sa album ko. Yun lang yun.
“Wala na akong makitang ibang dahilan, e.”
Wala ba silang constant communication ni Dennis?
Pahayag ni Jennylyn, “Nagpasalamat lang ako sa kanya dahil sa ginawa niya para sa album ko. That’s it.
“Magkaibigan naman kami, e. Medyo matagal na rin kaming okay.
“Friends kami. Yun lang naman ang importante, magkaibigan kayo.”
Hindi ba sila lumabas on a date pagkatapos ng recording?
“Nag-dinner lang kami saglit ‘tapos wala na.”
Madalas sabihin ni Jennylyn sa interviews na wala siyang binabalikang ex-boyfriend niya.
Ibig sabihin, walang chance na balikan niya si Dennis kung sakaling manligaw uli ito sa kanya?
Saad niya, “Sa ngayon kasi, wala sa isip ko, e.
“Wala namang history, so wala.
“Wala pa rin sa isip ko, so wala.
“Ewan ko, hindi ko alam… pero hindi pa ako handa.”
Kung magpakita ba ng interes si Dennis na ligawan siya uli, posibleng balikan o bigyan niya ito ng pagkakataon?
“Hindi ko pa alam.
“Kasi sa ngayon, talagang tutok na tutok ako sa trabaho, sa sarili ko.
"Alam naman nila, family, career. Yun lang, sa ngayon.
“May laban ako, e, next month sa triathlon. Isa sa Subic, isa sa Bataan... sa TriMac pa rin.”
Kasama pa rin pa ba niya sa team si Benjamin Alves?
Ayon kay Jennylyn, “Hindi siya marunong mag-swim, e. So, I guess, hindi siya kasali.
“Ang ginagawa lang niya, running. Recently, nagba-bike siya.
“Hindi siya nagta-triathlon talaga.” -- Rey Pumaloy, PEP
For the full story, visit PEP.
Tags: jennylynmercado, dennistrillo
More Videos
Most Popular