Angeline Quinto, 'di raw nagparetoke ng ilong pero inamin na 'nagpaayos' ng...
Inamin ng singer-actress na si Angeline Quinto na minsan din niyang naranasan ang ma-insecure dahil sa kaniyang hitsura, lalo na noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.
Pahayag ni Angeline sa showbiz press, una niyang naramdaman ang ma-insecure noong sumali siya sa isang contest na marami umano ang may histura at boses.
Kapag magkakaroon umano sila ng mall shows, halos wala raw nagpapa-picture sa kaniya.
“'Tapos naranasan ko pa nga po, na grupo po kami, pero sa akin nakisuyo na magpa-picture.
“Hindi po kasi yata nila alam na kasama ako sa contestants.
"Doon ko po na-feel talaga."
Nagpapasalamat daw si Angeline dahil kinuha siya ni Dra. Vicki Belo bilang endorser.
Ang kilalang beauty doctor daw ang nagsabi sa kanyang subukan ang gamot na pampaputi, ang glutathione.
Taliwas naman sa madalas na usap-usapan tungkol sa kaniya, nilinaw ni Angeline na hindi siya nagpaayos ng ilong.
“Yung iba naman po, sinasabi na kaya nagbago ang hitsura ko dahil sa ilong.
“Gusto ko lang po sabihin na hanggang ngayon ay hindi po ako nagpapagawa ng ilong.
“Sinabihan ako ni Ms. Regine [Velasquez] na huwag kong subukan kasi magiging malaki ang epekto sa pagkanta ko.
“May ilang singers ako na kilala na, feeling ko, talagang nag-iba ang boses dahil nagalaw yung ilong nila kaya natakot ako doon.
“Pero lahat naman ng babae, 'yon ang gusto.
“Pero ako po, okay na ako sa ipinagawa ko—lipo, arms, at saka yung sa mata ko.
"Wala na po bukod doon."
YES TO BOOB JOB? Samantala, inamin ni Angeline na kung may ipapagalaw pa siya, gusto niyang magpabawas ng kanyang boobs.
Sabi niya, “Sa totoo lang po, itong boobs ko, nahihirapan ako, kasi sobrang laki!
“Akala ng iba, nagpadagdag ako. Hindi nila alam, lagi akong namumroblema every time na mayroon akong shoot.
“So, nag-consult ako kay Dr. Belo kung ano ang magiging result kung magpapabawas ako.
“Sabi naman niya, masakit. Sobrang sakit daw kaysa magpadagdag.
“Gawan na lang daw sa mga damit ko... minsan masakit sa gowns talaga.”
Kinonsulta pa raw ni Angeline tungkol sa kaniyang problema ang nali-link sa kanya ngayon na si Erik Santos.
Pero tutol daw si Erik na ipaopera pa ang kaniyang dibdib.
“Sabi niya, 'Huwag na. Sisingilin ka niyan pagtanda mo,” kuwento ni Angeline. -- Nerisa Almo, PEP
For the full story, visit PEP.