ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Martin del Rosario ready to do sexy roles


Matapang na raw sa pagtanggap ng proyekto ang bagong Kapuso contract artist na si Martin del Rosario at kaya na niyang magpaka-daring sa mga proyektong ibibigay sa kanya.

“Siguro para na rin sa pagbabago ng image, kasi habang tumatanda, dapat may iba kang ginagawa at ipapakita," sabi ni Martin.

Dagdag niya, “Para na rin yung mga tao, may bago na ring makikita sa akin. Hindi yung ganun-ganun na lang ang ginagawa ko at napapanood nila."

 “Tsaka halos karamihan ng ginagawa ko, very young na good boy. "Kaya magpapa-sexy na ako para maiba naman."

Pinaghuhugutan daw ng lakas ng loob sa pagpapa-sexy ni Martin ang kanyang pangarap na makilala bilang mahusay na aktor.

“Medyo matagal-tagal na rin ako sa showbiz, gusto ko naman makilala ako bilang mahusay na aktor. Na kahit na nagpapa-sexy ako, yung acting ko pa rin yung makikita nila."

“Naisip ko rin na kailangan ko na rin tumanggap ng mature roles. At kasama diyan ang pagtanggap ng proyektong may maseselang eksena, like bed scene o magpapakita ng skin."

“Gusto ko kasing maging versatile actor, gusto ko maging character actor. And, of course, gusto ko ring maging leading man."

Dagdag niya, “Pangarap ko kasing makagawa ng iba't ibang roles. "Mga challenging roles na susukat sa kakayahan ko bilang artista."

"Sexy roles, puwede rin, basta maganda yung pagkaka-execute, maganda yung treatment. Yung hindi bastos, papayag ako... Basta ipaliwanag lang sa akin kung bakit kailangan kong gawin yun at kailangan ba talaga sa eksena."

“Gusto ko rin hindi lang basta-basta sexy. Gusto ko rin na makapal yung plot niya, gusto ko na sexy love story. Walang problema sa akin, lahat gagawin ko, katulad ng sinabi ko." - Pep.ph