ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Alden Richards sacrifices time for his family because of hectic schedule


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Teary-eyed ang bida ng GMA bayaniserye na Ilustrado na si Alden Richards dahil sa posts ng kanyang amang si Richard Faulkerson Sr. sa Facebook account nito. 
 
May isang post kasi ang daddy ni Alden na isang linggo na raw itong hindi umuuwi sa bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna, dahil sa magkakasunod na mga trabaho ng anak. Nami-miss na raw niya ang kanyang malambing na anak. 
 
Nagpatung-patong kasi ang trabaho ni Alden nitong mga nakaraang buwan kaya masuwerte na raw kung nakakauwi ito sa bahay nila sa Laguna para makasama ang kanyang pamilya. Sumabay pa raw ang taping ni Alden para sa Ilustrado sa mga biyahe niya para sa sa Bet Ng Bayan. Pagkatapos ay pumasok pa ang shooting ng pelikula nila ni Mark Herras na Cain at Abel.
 
Inamin ni Alden na sa sasakyan na lang siya natutulog kapag lumilipat na siya ng ibang taping set at kapag papunta na siya sa airport para sa Bet ng Bayan. 
 
Naka-adjust na raw ang young actor sa kanyang hectic schedule, pero nalulungkot siya dahil sa kawalan ng panahon para sa pamilya niya. 
 
Pahayag ni Alden, “Sa totoo lang po, para akong nasa ibang bansa. Nandito lang ako sa Pilipinas, pero parang ang layu-layo ko sa pamilya ko.”
 
Dagdag pa niya, “I really miss my family, lalo na ang daddy ko. Si Daddy kasi ang madalas kong makasama noon, lalo na noong nawala na si Mommy. Bago ako naging sobrang busy, lagi kaming may boys' night out ni Dad. Yun ang nami-miss ko ngayon.”
 
“Pero ito ang sakripisyo na sinasabi ni Daddy sa akin. Ito ang kapalit ng mga magagandang nangyayari sa akin ngayon. Sabi ko naman, hindi ko po naman kailangan isakripisyo ang isang bagay, e. Konting adjustment na lang at magkakasama na ulit kami at mag-bonding.”
 
Sa kasalukuyan, tapos na ang taping at shooting ni Alden para sa Ilustrado at Cain at Abel, kaya naman inaasahan niyang makasama at maka-bonding na muli ang kanyang pamilya. —PEP

For the full story, visit PEP.