ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ellen Adarna willing to do nude scenes

Si Ellen Adarna ang Ginebra San Miguel 2015 Calendar Girl.
Mayroon itong tatlong nagseseksihang layouts mula sa pictorial niya na maaaring makuha o makolekta ng mga suki ng nasabing liquor brand.
Sa press launch na ginanap noong Huwebes, October 23, sa Hotel Rembrandt, Quezon City, nagkuwento si Ellen tungkol sa ginawa niyang preparasyon.
“Nag-diet ako, nag-gym. I don’t eat anything fatty sa mga foods,” sabi nga niya.
Ano naman ang masasabi niya na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera ang pinalitan niya bilang calendar girl?
Aniya, “Pressure!”
Malayo raw niyang malampasan si Marian, "Noong tinanggap ko ito, nakaka-pressure pero I just prepared for this one."
Wala ba siyang pina-enhance sa katawan para mas lalo pang maging sexy?
“Pina-enhance, wala, wala po.
"Of course, my boobs, they're fake!” natawang sabi niya.
Masayang-masaya nga raw si Ellen na siya ang napili this year.
“Of course, I’m very happy, overwhelmed.
"Kasi hindi ko akalain na ako ang mapipili nila so very happy po ako and flattered, lahat na.
“And I’m so happy to be part of Ginebra's 180th year.”
Masaya rin ba siya sa talent fee na binigay ng Ginebra?
“Haping-hapi talaga, opo,” natatawang sagot ng dalaga.
NUDITY. Isa pang ikinatutuwa ni Ellen ay ang pagdating ng acting projects niya.
“Yes, of course kasi, after na gawin namin ang calendar girl, ang daming mga bagong projects. Sunod-sunod na dumating.”
Wala naman daw pinipiling karakter o role na gagampaman si Ellen. Pero, kung sakali at may nudity sa eksena, kaya pa rin ba niyang gawin?
“Well, if it’s required as a role and the script is good, I will do it.”
Kahit hubaran talaga?
“Yeah, actually, dito lang sa Pilipinas ang may, 'Ay, nag-nude siya.'
"I mean, if it’s part of the craft, if it will make you a better actor, then, why not?”
Tatanggap pa rin ba siya ng kontrabida roles?
“Opo, hindi naman ako mapili. Kung ano po ang i-o-offer sa akin, okey lang, i-a-accept ko pa rin.” -- Rose Garcia, PEP
For the full story, visit PEP.
Tags: ellenadarna
More Videos
Most Popular