ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Christopher de Leon clarifies rumor about wife Sandy Andolong's health condition


 

Nilinaw ng award-winning actor na si Christopher de Leon ang usap-usapang may malala raw sakit ang misis niyang si Sandy Andolong.

Ito ay pagkatapos lumabas ng balitang na-diagnose na may testicular cancer ang kanilang anak na si Miguel, na kasalukuyang nasa Amerika.

Ngayon naman daw ay kasalukuyan ding nagpapagamot si Sandy dahil diumano sa kidney problem nito.

Pahayag ni Christopher tungkol sa kalagayan ni Sandy, “No, she’s okay, looking good.

“But she needs to take medicines, ‘tapos yung food intake niya, kailangang measured, kailangan alam mo yung kakainin.

“Magagaling yung mga doctors niya, they are really taking good care of Sandy.

“May mga medications siya, but she’s okay,” pagtiyak ni Boyet.

Ayon naman mismo kay Sandy, matagal na niyang ipinapagamot ang kanyang karamdaman sa kidney.

Sa ngayon ay isinasantabi muna niya ito upang pagtuunan ng atensiyon at oras ang pagpapagamot ng anak na si Miguel.

Saad ng aktres, “Yes, it’s been a long time.

“I’m under management by my doctors, I have a team of doctors who are managing my ailment, but I’m okay.

“Medyo itinabi ko muna yun… I have to focus first on my son,” pahayag ni Sandy na nagsabing walang dialysis na ginagawa sa kaniya.

Tungkol sa kanilang anak na si Miguel, sinabi ni Christopher na nakatakda siyang magpunta sa Amerika sa susunod na linggo upang muling bisitahin ang anak.

“He is getting better, it’s going to be his last chemo this Friday," ani Boyet.

“He’s recovering… he’s kinda weak, kasi chemo, it’s such a hard road, pero okay naman siya.”

Dagdag naman ni Sandy, “He’s trying to cope up with a very aggressive chemotherapy for the past months.

“He has his bad days, good days.

“But we try to talk to him almost every day to inspire and try to uplift his spirits.”

Sabi pa ni Sandy, ang tuluyang paggaling ng anak ang maituturing niyang pinakamagandang regalo sa kaniya sa darating na Pasko.  --  Melba R. Llanera, PEP

For the full story, visit PEP.