ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ryzza Mae, ginawang 'practice baby' nina Bossing Vic at Pauleen
CAUSEWAY BAY, HONG KONG. Larawan ng isang ‘cute family’ ang mag-sweetheart na Vic Sotto at Pauleen Luna kasama si Ryzza Mae Dizon nang kunan ng picture ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tatlo na magkakasama pagdating ng Eat Bulaga Dabarkads dito sa HK noong Biyernes, October 31.
Napapagitnaan nina Bossing at Poleng si Aleng Maliit habang hawak nila ang tig-isang kamay nito.
Ini-repost naman ni Pauleen ang larawan sa kanyang Instagram account. Aniya, "Ika nga ni Vic, practice!"
Natatawang bulalas ni Pauleen, si Ryzza raw ang “practice baby” nila ni Bossing. Kumbaga ay ang bagets daw ang pinagpapraktisan nila ng comedian-TV host ng kanilang magiging baby in the future.
“Kaya lang hindi na baby, ang laki na!” tawa ni Pauleen.
Ever since ay parang anak-anakan ang turing ni Bossing Vic kay Ryzza at giliw na giliw ito sa nine-year-old child sensation ng Eat Bulaga.
Si Pauleen ay malapit din ang loob kay Aleng Maliit at mayroon silang sariling friendship. Just recently ay niyaya niya si Ryzza na mag-swimming sa bahay niya. — Allan Diones, PEP
For the full story, visit PEP
For the full story, visit PEP
More Videos
Most Popular