ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Sef Cadayona on beating Vic Sotto and Michael V. for Best Comedy Actor
Naging masaya si Sef Cardona sa pagbati sa kanya ng isang tao pagkatapos niyang manalo ng Best Comedy Actor, para sa Bubble Gang, sa 28th Star Awards for TV ng Philippine Movie Press Club (PMPC) noong Linggo, November 23, sa Solaire Resort and Casino.
Masayang pagbabahagi niya, “Pinakauna! Dun ako pinaka-kinilig 'tsaka dun ako medyo napaiyak.
“After, 'di ba, nag-piktyur-piktyur po kami buong PMPC, 'di ba?
“May nauna pa po na yumakap sa akin—si Miss Iza Calzado."
Isa sa hosts ng Star Awards for TV noong Linggo si Iza.
“Kasi nung nag-StarStruck pa kami, lagi akong pine-pep talk nun, e.
"Kasi mababa yung confidence ko nun, e.”
Host si Iza noon ng StarStruck, ang relaity-based artista search ng GMA, kung saan kasali si Sef.
“'Tapos backstage, kakausapin niya kami.
"E, nakita niya yung weak spot ko. Na pagka nagkamali ako sa ginagawa ko, sa objectives, automatic, bumababa po yung self-esteem ko ng mga panahon na yun.
“'Tapos siya yung nagtsi-cheer sa akin.
“Naiyak ako nun!
“Kasi siya yung, kumbaga, hindi naman nag-alaga, pero siya yung nagbigay sa akin ng self-confidence, e.
"Not just with me but with the whole cast of StarStruck V.
“'Tapos nung nakita niya ako na medyo nati-teary-eyed din siya, na sinabi niya sa akin, ‘You’ve come a long way!’
“Sabi niyang ganun, ‘Nag-venture ka ng comedy, 'eto na ngayon!’
“'Tapos niyakap niya ako nang mahigpit.”
KUYA BITOY AND BOSSING. Nang tawagin daw ang pangalan niya bilang winner ng Best Comedy Actor, walang pumasok sa isip niya.
Sabi ni Sef, “Nablangko po ako nun!
"Nung narinig ko, binutones ko agad yung coat ko.
"'Tapos, ‘Ano ang sasabihin ko?!’
“Kasi magkakasunod po yun, e. Nag-perform po kami.”
Guest kasi ang Bubble Gang cast sa Star Awards at elevated ang naturang gag show sa Hall of Fame ng naturang award-giving body.
“'Tapos iyon nga po, kinakabahan po ako.
"Sabi ko sa sarili ko, kailangang wala akong makalimutang sasabihin ko.
“Pero nung nandun na ako sa stage mismo, dun na, medyo tumahimik lang ako.
"Pawis na pawis ako nun, na-tense talaga ako.”
Ano ang pakiramdam ni Sef na tinalo niya sina Michael V at Vic Sotto, among other nominees, bilang Best Comedy Actor?
“Naku, parang sa akin naman po, hindi ko po siya makitang term as tinalo.
“More on parang they gave me a chance, to shine as a starting comedian po.
“Kasi kaya nga na-touch ako nun sa sinabi ni Kuya Bitoy [Michael V] na parang sana nga ma-nominate daw ulit ako.
"'Tapos natutuwa daw siya na ang sinasabi ng tao, e, parang ako daw yung susunod sa kanya.
“Sabi niya pa nga, 'Sa lahat naman ng gagayahin ko, siya pa,' sabi niyang ganun!
“Pero masaya siya na ganun yung nangyari.”
The day before ng panayam kay Sef ay nag-taping sila ng Vampire Ang Daddy Ko, at nag-congratulate raw sa kanya si Bossing Vic.
“As in, nung pagdating niya, kinongratulate niya po ako.
"'Tapos sabi niya nga, ‘Grabe, a! Lahat ng kasama ko nananalo, ako na lang hindi, a! Loko kayo, a!’
“Sabi niyang ganun!
“Pero siyempre, kinakabahan ako nun, kasi sabi ko, ‘Naku, ano kayang sasabihin ni Bossing?’
“Nahihiya din ako nun.
“Pero iyon nga po, sa term na tinalo, feeling ko, parang nagbigay sila ng pagkakataon lang po sa akin.”
Sino ba ang inisip niyang mananalo kung hindi siya, kanino siya kinabahan na tatalo sa kanya?
“Hindi po kinabahan, parang in-expect ko, na naglalaro lang po sa akin si Bossing o si Kuya Bitoy. Sila lang pong dalawa yun.
“Kasi si Kuya Bitoy, bukod naman po sa aktor siya sa Bubble Gang, siya rin po nagsusulat, e.
“Which is why, now, I’m starting na magsulat din po paunti-unti.
“Ngayon pa lang po, parang nagbabato pa lang ako ng mga concept.
"Pero ang wish ko po talaga at pagtutuunan ko po ng pansin, e, magsulat na rin po.
"Kasi inaamin ko iyon yung medyo weak spot ko, e.
“'Pag may ibinigay po sa aking eksena, kaya ko po siyang laruin.
"Pero yung sasabihin mong from scratch ako yung magde-detalye kung ano yung gagawin, medyo hirap pa po ako.
“So, nagsisimula na po ako.”
“Naku, bilang ka-tandem ni Kuya Bitoy? Dahil ba sa height ko?” at tumawa si Sef.
Dagdag niya, “Mahirap pong sabihing palitan si Kuya Ogie.
"Kasi hanggang ngayon po, hinahanap din po siya ng tao rin po sa Bubble Gang.
“'Tsaka madalas po naming nakakasama si Kuya Ogie sa basketball.
"Gumawa po ng way si Kuya Bitoy na magka-bonding kaming lahat na Bubble Gang.
“Kasi siyempre, bago po kami, e.
“So, ito yung posibleng way na magsama-sama kaming boys outside of work, para pagdating namin sa trabaho kinabukasan, masaya kami, fresh kami.
“'Pag nag-gags kami, lokohan, okay lang, tanggap namin.
"'Sige, asarin niyo akong maliit, okay lang! At least naka-steal ako nung basketball.’
“Mga ganyan, kasama rin po namin dun si Kuya Ogie.
"Si Kuya Ogie rin po minsan nagbibigay siya ng tips sa akin.”
Hindi pa raw siya nako-congratulate ni Ogie.
“Pero magkikita kami sa Sunday po, sa basketball.
“And hindi po siguro mapapalitan, siguro parang tinatahak ko lang po talaga yung pagiging buhay-komedyante.
"'Tapos iyon nga, yung saya.
"'Tsaka yung tuwa na may award ako sa PMPC.
“'Pag naiisip ko, naaano pa rin ako, e.”
Pangatlong acting award na sa comedy ni Sef ang Star Awards trophy niya.
“Ang first ko po Breakthrough Performance [By An Actor para sa indie film na Gayak] sa Golden Screen Awards [ng Entertaiment Press Society Inc. o Enpress, Inc.].
"Pangalawa, Best Supporting [Outstanding Supporting Actor in a Gag or Comedy Show], sa Bubble Gang din po, sa Golden Screen po.
“'Tapos ito po. Sarap!” ang bulalas niyang pagtukoy sa una niyang award mula naman sa PMPC." -- Rommel Gonzales, PEP
For the full story, visit PEP.
Tags: sefcadayona, bubblegang
More Videos
Most Popular