ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Freddie Aguilar’s wife turns 18, wishes for peaceful life with 61-year-old husband
Nagdiwang ng ika-18 niyang kaarawan ang asawa ng legendary singer na si Freddie Aguilar, 61, na si Jovie Albao sa bar ng batikang singer sa Quezon City noong Linggo, November 30, kasama ang mga kaibigan at kaanak ng mag-asawa.
Matatandaang 16 years old noon si Jovie nang magpakasal ito kay Ka Freddie sa ilalim ng Islamic rites sa Buluan, Maguindanao.
Hiling ng maybahay ng singer, "Sana tumigil na ang detractors namin."
Naging emosyonal pa umano si Jovie nang magpasalamat ito sa kanyang mga magulang na tumanggap ng kabi-kabilang batikos dahil sa relasyon nila ng ni Ka Freddie.
Aniya, "Kasi noong nagkarelasyon kami [ni Freddie], sobrang naging isyu. Lahat ng masasakit na salita, natanggap nila [magulang]. Parang ano ba... Nakakalungkot isipin, 'di ba, na hindi naman sila kasali sa isyu [pero nadamay sila].”
"Ngayon, okay na. Yung relasyon kasi namin, umiikot sa aming dalawa, e. Hindi namin pinansin yung ibang tao kasi hindi naman sila kasama, e. Nagkakilala kami, kaming dalawa 'yon. Nagmahalan kami, kaming dalawa 'yon. Kung may pagkakamali kami, kaming dalawa din 'yon."
Ayon naman kay Freddie, balak nilang magtayo ng coffee shop sa oras na magtapos ang asawa sa kursong culinary sa susunod na taon.
Nais rin daw ng mag-asawa namagkaroon ng second honeymoon sa susunod na taon sa hometown ni Jovie sa Mindoro o sa ibang bansa.
Wish ni Jovie sa kanyang kaarawan: “Sana matupad ko lahat ng pangarap ko, matulungan ko ang pamilya ko, lahat ng ambisyon ko sa buhay, makuha ko nang walang tinatapakan na ibang tao. "At maging mapayapa ang pamumuhay namin araw-araw, gabayan kami ng Panginoon." — Arniel C. Serato/PEP.ph
Read full PEP.ph artice here
Read full PEP.ph artice here
Tags: freddieaguilar, joviealbao
More Videos
Most Popular