ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Ex-lovers Robin Padilla, Vina Morales reunite for 'Bonifacio' film
By RUBEN MARASIGAN, PEP
Muling magsasama sa isang pelikula ang dating magkasintahan na si Robin Padilla at Vina Morales matapos ang ilang taon.
Bibida ang dalawa sa Metro Manila Film Festival entry na "Bonifacio: Ang Unang Pangulo" kung saan magiging leading lady muli ng Original Bad Boy of Philippine Cinema ang dating kasintahan.
First choice daw ni Robin si Vina na gumanap sa role ni Gregoria de Jesus o Oriang, na asawa ni Andres Bonifacio.
“Ang gusto kasi ni Direk Enzo [Williams] nung nag-meeting kami, ang unang-una niyang sinabi, 'Gusto ko yung ka-partner mo ay yung relaxed ka. Yung hindi pa kayo nagsasalita, sumasabog na yung screen.'
“Sabi ko, 'Walang iba diyan kundi si Vina!' E, coincidence naman na nung tinanong ko si Mariel [Rodriguez, his wife], iyon din ang unang-una niyang sinabi, kasi fan ng Vina-Robin ‘yon, e. Iyon ang sinabi niya, 'Si Vina, si Vina, pilitan ninyong makuha.' Iyon! Tuluy-tuloy na.”
Kung nagkataong single siya at walang Mariel sa buhay niya ngayon, madugtungan kaya ang naputol nilang pagmamahalan ni Vina noon?
“Ang bigat ng tanong na ‘yan! Ang hirap sagutin!”
“Alam niyo, si Vina lang naman ang lumalayo!” tawa ni Robin.
Pero allowed naman sa kanilang mga Muslim na magkaroon ng dalawa o higit pa ang asawa, 'di ba?
Natatawang sabi naman ng aktor, “Ang Muslim, kapag isa pa lang ang asawa, nanliligaw pa lang ‘yon. Kapag dalawa na ang asawa, meron na siyang girlfriend. Kapag tatlo na, engaged na siya. Kapag apat na, doon pa lang siya may asawa. Kaya single pa ako!”
Sa panahong ginagawa nila ang Bonifacio, may mga pabirong hirit nga ba siya kay Vina na parang pagpaparamdam sa aktres?
“Alam mo, sa amin ni Vina, kahit hindi, yung kaswal na nangyayari, meron nang kiliti sa amin ‘yon. Kasi wala naman kaming masamang pinagsamahan ni Vina, e. Wala. Hindi kami nag-away niyan. Wala kaming masasamang salita sa isa’t isa.”
Pero sinasabi ni Vina, nasaktan daw talaga ito sa nangyari sa kanila ni Robin noon. Pag-amin ni Robin,
“E, luko-luko ako noon. Wala tayong magagawa. Pero hindi ko siya sinaktan na masasabi mong niloko ko siya. Alam niya ‘yon, hindi ganun ang nangyari.”
Ang misis kaya niyang si Mariel, matatanggap kaya nito sakaling magkaroon siya ng isa pang asawa?
“May babae bang gusto nun? Ikaw naman! “Wala. Siyempre hindi... hindi,” nangiting sambit ni Robin.
Nagseselos ba si Mariel sa kanyang nagiging leading lady? Halimbawa kay Vina na nakarelasyon niya noon?
“Hindi nagseselos ‘yon. Wala. Magagalit lang ‘yan kapag love scene. Medyo magagalit ‘yon.”
May kissing scene ba sila ni Vina? “Oo, pero hindi love scene. Ayaw ni Mariel ng mga love scene, ayaw niya. E, unang-una, pangit siguro na si Andres Bonifacio, nakikipag-love scene. Pangit ‘yon. Hindi maganda ‘yon." — PEP
Tags: robinpadilla, vinamorales
More Videos
Most Popular