ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Rapper Abra on possibility of courting Julie Anne San Jose: ‘Siguro kapag naramdaman kong ready na siya’


Sa kabila ng sunod-sunod na projects nila together, hindi raw iniisip ng rapper na si Abra na aabot siya sa pagligaw kay Julie Anne San Jose dahil ayaw din niyang haluan ng kung ano ang magandang friendship nila ng singer-actress.

“Bahala na po kunsaan makarating ang pagiging friends namin,” sabay ngiti niya. Siguro po, tama na muna siguro na ganito kami. We work very well together."

Matagal na rin daw walang girlfriend si Abra dahil mapili raw siya sa babaeng liligawan niya.

“Sa pagiging choosy natin, heto walang girlfriend sa Pasko!” tawa pa niya.

“Okey lang naman po iyon. Walang masyadong gastos sa ibang tao. Yung family ko na lang ang gagastusan ko this Christmas.”

Pasok ba si Julie sa criteria niya ng isang girlfriend?

“Opo naman. Gusto ko pa kasi sa girl ay yung nakakasundo ko at nasasakyan ang trip ko sa buhay. Si Julie, we have a lot in common kaya sobra kaming nagdya-jive parati,” pagmamalaki niya.

Sa pelikula ngang Kubot, guest role lang daw sila ni Julie bilang mga tutulong sa pagpatay sa mga aswang. Mapapakinggan ang duet nila ni Julie na “Dedma” sa pelikulang Kubot.

Noong nakaraang December 13, isa si Abra sa special guests ni Julie sa kanyang concert na Hologram sa SM MOA Arena, Pasay City.

Alam din umano niya na hindi nagpapaligaw si Julie ngayon dahil mas binibigyan niya ng pokus ang kanyang career sa musika at pag-aaral.

 Isa si Abra sa natuwa dahil sa pagkakatanggap ni Julie ng Diamond Record Award dahil naging 10 times Platinum ang self-titled album nito.

“I am very happy for Julie. She deserves it kasi napakasipag niya."

“Napagsasabay niya ang career at pag-aaral niya. Bihira na ang ganyang artista ngayon and that makes me proud to be her friend."

“I know po na hindi nagpapaligaw si Julie dahil wala siyang time sa mga ganyan ngayon. So okay lang. Choice niya po iyon. Siguro kapag naramdaman kong ready na siya, bahala na po!” tawa pa niya. - pep.ph