ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Lovi Poe supports boyfriend Rocco Nacino’s ‘baddie’ role


Ano nga kaya ang masasabi ng aktres na si Lovi Poes sa sobrang pagiging salbahe ng karakter na ginagampanan ng kanyang boyfriend na si Rocco Nacino sa primetime series na 'Hiram Na Alaala' kung saan kasama nito sina Kris Bernal at Dennis Trillo? 
 
“Maganda ‘yong role niya. Kasi it’s nice na napaglalaruan niya. It’s very challenging. Tinatawagan nga niya ako na nakaka-stress nga kasi nahihirapan siya dahil malayo naman ‘yon sa totoong ugali niya,” kwento ni Lovi.
 
Dagdag pa niya, “Pero ang sabi ko, 'Maganda ‘yan, kapag nahihirapan ka sa role mo. Be thankful kasi alam mong pinagkatiwalaan ka para gampanan ang character na ‘yan.” 
 
E, sa bagong look naman ni Rocco na may bigote at balbas-sarado? 
 
“I like it! Parang bad boy na mature,” nakangiting sagot ng aktres. 
 
Mas gusto niya kesa sa dating clean-cut at nice guy na dating ni Rocco? 
 
“Puwede rin, either way. Para Rocco number one at Rocco number two!” biro ni Lovi.
 
Pero paano kaya kung halimbawa, ang boyfriend niya ay nambubugbog pala sa totoong buhay? 
 
“I’m sorry. No! Kamao ito ng tatay ko!” natawang biro muli niya.
 
PROJECTS. Kasama si Lovi sa cast ng "Flight 666," isa sa tatlong episodes ng Metro Manila Film Festival entry na Shake, Rattle, & Roll XV.  
 
Bukod dito, may mga bago ba siyang project na gagawin like a new soap, halimbawa? 
 
“Pinag-uusapan pa ng GMA at ng manager ko ‘yong tungkol sa bagong teleserye.”
 
Pero balitang mas gusto niya na subukang mag-host naman ng isang travel show kesa sa gumawa ng teleserye? 
 
“Hindi naman sa mas gusto, parang gusto ko rin ng travel show if given the opportunity. At saka gusto ko na makatikim din ng delicacy ng iba’t ibang bansa, ‘di  ba?” 
 
Kung halimbawang matutuloy na mabigyan siya ng travel show, gugustuhin ba niyang si Rocco ang kanyang maging co-host dito? 
 
“I think it would be fun!  Oo. Fun ‘yon kapag magkasama kami.  Kung magkaroon ng travel show para sa aming dalawa. Ang tawag nga namin sa aming dalawa—foodies. Kasi sobrang hilig namin sa pagkain.” — Ruben Marasigan/PEP.ph

For the complete PEP.ph article, click here.