ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Dahil sa 'hipon' joke: Ramon Bautista, mas naging maingat na raw sa pagpapatawa

Ayon sa professor/writer/actor na si Ramon Bautista, persona non-grata pa rin siya Davao at umaasa siyang matatapos na ito lalo't nakakapag-usap na sila ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Matatandaan na nitong nakaraang Kadyawan Festival noong August 16 ay nakapagbitiw si Ramon ng biro na maraming hipon sa Davao. Ang tinutukoy niya ay ang mga babae sa nasabing probinsya.
Ikinagalit ito ng mga Davaoeños, partikular na ang Davao City Council at si Mayor Duterte, kaya idineklara siya bilang persona non grata.
Sa presscon ng Kubot, The Aswang Chronicles, agad na tinanong si Ramon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa status ng kontrobersiyang ito.
“Mayroon pa rin pero sana iatras, okay na kami ni Mayor, nag-usap na kami.
"We’re good, at least maayos naman.”
Saad pa ng komedyante, higit raw na naging maingat na siya at sensitibo sa mga binibitawan niyang biro sa ngayon.
Warning pa niya, “Mag-ingat at maging aware ka sa sensitivity ng tao.
"Tina-try ko na maging maingat pero minsan sumasablay pa rin.
"Eye-opener siya, dapat lang na maging cautious, 'di lang ako.
“Mayroon ka talagang mao-offend sa creative lalo na sa komedya.
"Tina-try ko lang mag-entertain pero minsan talaga 'di maiiwasan.”
Para kay Ramon, marami siyang natutunan sa iiwanang taon na babaunin niya sa papasok namang taon.
“It’s been a wild ride, ang dami kong natutunan pero okay din.
"Matinding learning process sa akin.
"Nakakapagod pero ganun talaga ang life.
"Isang malaking paghahanda ‘yan.
“Tinitignan ko ang lahat na positibo naman.
"Ganun ang buhay, depende lang sa point of view.
"'Wag nating isipin na bad, isipin natin laging good.
"Kasi kung may sablay man, at least, natuto tayo.” -- Melba Llanera, PEP
For the full story, visit PEP.
Tags: ramonbautista, hiponjoke
More Videos
Most Popular