ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

PBA player Kevin Alas denies he is the boyfriend of Vice Ganda — report


Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal, nilinaw ng isang kaibigan ng PBA player na si Kevin Alas ang pagkaka-link ng basketbolista sa komedyanteng si Vice Ganda.

Sa artikulong isinulat ni Gorgy Rula sa PEP nitong Martes, sinabing si Kevin Alas daw ang tinutukoy na “Kevin” na ibinuking ni Bimby Yap sa isang television show na umano'y boyfriend ngayon ni Vice.

Kinumpirma naman daw ni Vice sa programang "Aquino and Abunda Tonight" noong Lunes, December 22, na ang nabanggit na player nga ang tinutukoy ni Bimby.

Pero nilinaw daw ng komedyante na magkaibigan lang sila ni Kevin.

Nalaman din daw niya sa player na naapektuhan ang ina nito dahil sa lumabas na ulat kaya nahihiya siya sa pamilya nito.

Ipinaliwanag ni Vice na kabilang si Kevin sa mga kaibigan niya sa We Chat, na karamihan daw ay mga basketbolista.

Sa pakikipag-usap ng PEP sa isang kaibigan ni Kevin na miyembro rin ng kanilang We Chat, na kinabibilangan ni Vice, naliwanagan kung bakit inakala ni Bimby na boyfriend ni Vice si Kevin.

Ayon sa kaibigang ito ni Kevin, na tumanggi daw na pabanggit ang pangalan, tinanong niya ang PBA player kung totoo ang ini-reveal ni Bimby at kaagad daw itong itinanggi ng basketbolista.

Sabi nito sa text sa kanyang kaibigan, nakausap nila si Bimby sa We Chat nang siya raw ang sumasagot para kay Vice, na matalik na kaibigan ng ina ni Bimby na si Kris Aquino.

Paliwanag ni Kevin sa text message na ipinadala sa isang kaibigan:

“May group chat kasi kami yung tropa. Ako, Woody, Borgy, Garvo, Vice, Bernard, Dave, Marcelo.

“Nag-voice message kami tapos si Bimby ang sumasagot.

“Tapos yun niloloko ko si Bimby. Si Gabo nga nagre-reply din.

"Sabi ko nga sa group bakit di man lang si Gabo yung natandaan ni Bimby. Ako yung natandaan ni Bimby.”
 
Tiniyak din ng kaibigan ni Kevin sa PEP na magkaibigan lang talaga ang dalawa. — Gorgy Rula, PEP

For the full story, visit PEP.