ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Vice Ganda's grandfather passes away on Christmas day
Pumanaw na ang lolo ni Vice Ganda na si Lolo Gonzalo sa mismong araw ng Pasko, December 25, sa edad na 93.
Multiple organ failure ang dahilan ng pagpanaw ng lolo ni Vice sa intensive care unit ng isang ospital.
Ang comedian-TV host mismo ang nag-anunsiyo ng pagyao ng kanyang lolo sa pamamagitan ng Twitter.
He's gone. ????????????????????????????????????????????
— jose marie viceral (@vicegandako) December 25, 2014
Matapos nito, bumuhos ang pakikiramay kay Vice—sa pamamagitan ng Twitter—mula sa mga kaibigan at mga tagahanga nito.
Nag-number one pa nga sa trending topic nationwide ang hashtag na #BeStrongViceGanda.
Nasa pangwalong puwesto din ang Lolo Gonzalo sa Philippine Trends sa Twitter.
Sa huling panayam kay Vice ng PEP.ph noong December 17, sinabi nitong bagamat ipinagdadasal niyang pahabain pa ang buhay ng kanyang 93-anyos na lolo, nandoon din ang hiling niyang huwag nang patagalin pa ang paghihirap na dinaranas nito.
“Ang weird nga kasi hindi ko alam kung ano ang idadasal ko sa Diyos.
“Kasi alam ko gusto ko na humaba pa ang buhay ng lolo ko para makasama ko pa siya.
“Pero ayoko ding pahabain pa yung paghihirap niya kasi kitang-kita.
“Ang payat-payat na ‘tapos sobrang dami ng aparato na nakakabit sa katawan niya, alam ko nahihirapan siya.” — PEP
For the full story, visit PEP.
For the full story, visit PEP.
Tags: viceganda
More Videos
Most Popular