ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Heart amused by Chiz’s thrifty ways: Parang siya yung babae. Sobrang matipid sa pera, nakakatawa


Puspusan na ang paghahanda nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista para sa kanilang kasal sa February 15 na gaganapin sa Balesin Island. 
 
Hands-on daw si Sen. Chiz sa paghahanda sa kanilang kasal, pero ang isa raw sa nadiskubre niya sa lalaking pakakasalan niya ay napakatipid daw nito. Hindi raw niya akalaing lahat ng detalye sa preparasyon ng kasal ay binubusisi raw ng senador.
 
Simulang kuwento ni Heart, “He’s very much on top of everything. Sobrang dami kong natutunan sa kanya. Siyempre ano din ako, parang sanay din ako na bibili ako ng ganyan na parang hindi ko titignan yung presyo. Pero siya talaga, talagang nakikipag-away siya. Nakakatawa siya actually. Parang siya yung babae. Sobrang matipid siya sa pera, nakakatawa.” 
 
“TAWAD” KING. Ikinuwento rin ni Heart kung paano raw tinawad-tawaran ni Sen. Chiz ang bulalak na gagamitin sa kasal. Natama kasi sa Valentine’s Day kaya napakamahal daw ng bulaklak, pero hindi raw niya akalaing ganun tumawad si Sen. Chiz sa mga bulaklak. 
 
Napapangiting kuwento ni Heart, “Hindi nila alam kung saan huhugutin yung bulaklak. Kasi nga sabi niya hindi puwedeng ganyang kamahal. Hindi ko kaya. Sabi niya, ‘Kaya mo bang matulog sa gabi na ganyan kamahal?' Nakakatuwa din.” 
 
Napagkasunduan na lang daw nilang ang bulaklak na gagamitin sa kasal ay itatago rin at ipi-freeze, at iyun din daw ang gagamitin sa kanilang reception sa Maynila. 
 
Kaya isa raw sa natutunan niya ngayong magiging Mrs. Escudero na siya ay kung paano bigyang halaga ang perang kinikita niya at kung paano magtabi para sa sarili at sa kanilang magiging anak. 
 
Sabi ni Heart, “Unang-una sa lahat yung mga gastos na ganyan na parang akala ko dati trabaho lang nang trabaho na parang walang katapusan. Pero ngayon pala, kailangan mag-ipon ka na talaga, kasi magkakaanak ka, yung maging practical ka.”  — Gorgy Rula/PEP.ph


Read the full PEP.ph article here