ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Kris Aquino, ikinuwento kung paano niya pinaghandaan ang pakikipagbati kay Ai-Ai




Ikinuwento ni Kris Aquino na inihanda niya ang sarili na hindi pansinin ni Ai Ai delas Alas nang araw na magkabati sila sa araw mismo ng kasal nina Dingdong Dantes at Marian Rivera noong Disyembre 30.

“Naglakas ako ng loob kasi I was really ready for her to snub me,” pahayag ni Kris tungkol sa ginawa niyang paglapit mismo at pakikipag-ayos sa nakaalitang matalik na kaibigan na si Ai-Ai.

Naganap ang pagbabati ng dalawa bago nagsimula ang wedding ceremony nina Dingdong at Marian kung saan isa sa principal sponsors si Kris at veil sponsor naman si Ai-Ai.

Basahin: Kris Aquino at Ai Ai Delas Alas, nagkabati na sa kasal nina Dingdong at Marian

LOOK: Kris Aquino's reconciliation gift for Ai Ai
                                              
Sa programa ni Kris na Aquino and Abunda Tonight  nitong Martes, sinabi ng television host na pinag-isipan niya nang husto kung paano susuyuin si Ai-Ai at kung ano ang regalong ibibigay niya rito.

“I felt that we were bound to bump into each other.

"So, inisip ko, I wanted to give her something with meaning," kuwento pa ni Kris sa kanyang co-host na si Boy Abunda.

Isang necklace na may “Mama Mary” pendant ang iniregalo ni Kris kay Ai Ai.

Pareho rin daw na deboto ng Mahal Na Birhen sina Kris at Ai-Ai.

Dagdag pa ni Kris, natatakot siya na magkamali ng regalo bago ibato lang sa kaniya ng komedyante.
 
"Inisip ko pa, ‘Naku! Kung iba ang regalo ko, baka ibato niya lang sa akin. Pero kung may Mama Mary, tatanggapin niya.’

"Yun ang iniisip ko."

Tiniyak din daw ni Kris na green apple ang balot ng regalo na paboritong kulay ni Ai Ai.

Sinabi pa ni Kris na sinimulan niya ang bagbati kay Ai Ai ng, "Happy new year!’, at tumugon naman daw ang komedyante at iyon na ang hudyat ng kanilang pagkakabati. -- Rachelle Siazon, PEP
 
For the full story, visit PEP.