ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

What Danica Sotto thinks about dad Vic possibly marrying Pauleen




Sa Pangasinan ipinagdiwang ni Danica Sotto-Pingris at ng kanyang pamilya ang nakaraang Pasko.

Sa nasabing lalawigan kasi nakatira ang karamihan ng pamilya ng kanyang basketbolistang mister na si Marc Pingris.

Noong Bagong Taon naman ay nasa Manila sila kasama ang ama ni Danica na si Vic Sotto.

Pero hindi raw nila kasama ang girlfriend ni Vic na si Pauleen Luna nang kanilang salubungin ang Bagong Taon.

“Nakapag-dinner kami after New Year na. Kasama naman siya,” dugtong ng panganay ni Vic at dating asawa nitong si Dina Bonnevie.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Danica Sotto-Pingris sa ginanap na PEPTalk nitong Miyerkules, January 7.

Pero kahit hindi sila nagkasama noong Bagong Taon, tiniyak ni Danica na on good terms sila ni Pauleen.

Saad niya, “Okay naman kami.

"As I’ve said, it’s not ideal ‘coz she’s really young."

Si Pauleen ay 26 years old, habang si Vic naman ay 60 na.

Patuloy ni Danica, “Some people find it, like, parang medyo surprising na ang bata, but I cannot not respect her because she’s nice to me.

“She’s nice, she takes care of my dad. She’s very maasikaso.

"So, parang walang reason para sungitan ko siya or anything.

“We have ano naman, parang good relationship naman.

"Civil din kami. Nag-uusap din kami, ganun.

"Nakakasama ko rin siya lumabas, but with my dad."

Pahayag pa ni Danica, maayos din ang relasyon ng kanyang nakababatang kapatid na si Oyo Sotto kay Pauleen.
 
SUPPORTIVE OF DADDY VIC. Wala rin daw kaso kay Danica kung sakaling mapagdesisyunan nina Vic at Pauleen na magpakasal.

Pahayag niya, “As a daughter, my job is to respect and honor my dad.

“To make decisions for him, I cannot do, because it’s not my life.

"Kung gusto niya ikasal, nasa sa kanya 'yon. Wala akong say.

“'Coz I’m not under his care anymore. I’m not as if some little child na, ‘Maa-affect ako kapag ikinasal ka.’

"Kasi, parang I have my own life na rin."

Aware daw si Danica sa sinasabi ng ibang tao na dahil sa malaki ang agwat nina Vic at Pauleen ay mauuwi rin sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Paniniwala ni Danica, wala sa edad ang sukatan kung magtatagumpay ang isang relasyon o hindi.  

“Minsan sasabihin nila, ‘Sana ka-age na lang ng daddy mo or what…’

"E, kung lolokohin siya, lolokohin din naman talaga siya, 'di ba?

“So siyempre, kung saan siya magiging masaya, dun din lang naman kami.

“'Tsaka life niya nga 'yon.

"Ang pinaka magagawa ko na lang, as a daughter, ay respetuhin siya at ipagdasal siya na mapunta siya sa mga tamang desisyon sa life niya." — PEP

For the full story, visit PEP.