ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Carl Guevara, ikinuwento kung papaano siya nakipagbati kay Kris Bernal

Masayang ibinalita ni Carl Guevarra na nagkabati na sila ng dating nobya na si Kris Bernal. Ayon sa binata, nangyari ito bago sumapit ang Pasko.
May 2014 nang napag-usapan nga ang breakup nina Carl at Kris. May pagkakataon na nagpatutsadahan sila sa media tungkol sa rason ng kanilang hiwalayan.
Ilang buwan ring nanahimik ang isyu sa kanilang dalawa kaya ang tanong ng PEP ay kung nakapag-move on na ba si Carl sa isyu nila ni Kris?
“Nakapag-move on naman na. Medyo matagal na rin, e. Siguro mga eight months na.”
Ibinalita ni Carl na nagkausap na sila ni Kris bago pa sumapit ang Pasko.
Kuwento niya, "Nagkita kami before Christmas. Nag-usap kami.
"Tinext ko siya, kinumusta ko. Nagkataon na nasa Tomas Morato siya. Nasa Morato din ako. Ayun, nag-dinner lang kami.
“Kumustahan lang. Kumusta na yung trabaho niya. Busy rin naman siya talaga.
“Okey naman siya. At least masaya ako na okey naman siya na maganda yung trabaho niya, medyo busy siya.”
Anong dahilan at bakit siya nag-reach out kay Kris?
“Siyempre naman hindi naman porke’t naghiwalay kami, wala na kaming koneksyon, 'di ba? Pangit namang tingnan 'yon.
“Saka years naman kami, e. Almost mag-two years kami. Saka magpa-Pasko.
"Kumbaga, siyempre last Christmas [2013], kasama ko siya nag-celebrate ng Chistmas at New Year.
“Gusto ko lang maayos at wala nang samaan ng loob.”
Masasabi mo bang tapos na at wala nang samaan ng loob.
“Oo naman, tapos na, wala nang samaan ng loob.”
Ano ang napag-usapan at napagdesisyunan ninyong dalawa para sa isa’t-isa?
“Parang kumbaga, magkaibigan. Pero hindi madalas mag-usap, text lang, kumustahan, mga ganyan.
“Hindi na gaya ng dati no'ng may relasyon kami, halos text-text maya’t-maya kahit may trabaho, text-text. Ngayon wala.”
Anong pakiramdam na umabot kayo sa ganung sitwasyon ni Kris?
“Siyempre, nanghinayang ako sa relasyon namin, pero at least nakapag-move on na kami.
"Parehas na kaming nakapag-move on so masaya na. Kumbaga, new chapter na ng buhay.
“Zero uli at trabaho na muna sa ngayon. Pero kung may dumating [lovelife], bakit hindi?” -- Rey Pumaloy, PEP
For the full story, visit PEP.
Tags: krisbernal, carlguevarra
More Videos
Most Popular