ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
What Angelica Panganiban wants in John Lloyd proposal
By RACHELLE SIAZON, PEP
"Basta sinasabi ko sa kanya, na kapag siya nag-propose, ayoko ng maraming tao."
Ito ang pahayag ni Angelica Panganiban, 29, nang tanungin kung handa na siyang magpakasal sakaling mag-propose sa kanya ang kasintahang si John Lloyd Cruz, 31, ngayong taon.
Sa presscon ng pelikulang That Thing Called Tadhana kagabi, January 21, bukas ang aktres sa pagsasabing si John Lloyd ang gusto niyang makasama habambuhay.
“Sana, 'di ba? Kaya ka naman nasa isang relationship dahil gusto mo yun na talaga.
“Tinatrabaho niyo yun every day na mag-work yung relationship niyo para mauwi kayo sa magandang samahan panghabang-buhay,” pahayag ni Angelica.
Inamin din ng aktres na napag-uusapan na nila ni John Lloyd ang pagpapakasal, lalo pa't pareho na silang nasa tamang edad.
“Actually, kapag pinag-uusapan namin siya, natatawa kami, nau-awkward kami.
“Para kasing puwede siyang mangyari. Kumbaga, nasa tamang edad na kami para gawin yun.
“So, parang kapag pinag-uusapan siya, medyo kinikilig kami, 'Yihee... 'Wag muna! Sandali nga!'
"Parang medyo nakakailang siya pag-usapan!" natatawang kuwento ni Angelica sa entertainment press.
May mga pagkakataon din daw na humihirit si John Lloyd kung ano ang dream wedding nito.
Sabi ni Angelica, “At saka kapag may ikinakasal kaming mga kaibigan, ganun.
“May mga ano siya, 'Ako 'pag kinasal, ganyan.'
"Sabi ko, 'Hmmm, para namang ikakasal ka!'
"Nagpaparinig akong ganun. Wow!" — PEP
Tags: angelicapanganiban, johnlloydcruz
More Videos
Most Popular