ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Regine Velasquez, wala raw sama ng loob kay Kris Aquino



 
Nilinaw ni Regine Velasquez na wala siyang sama ng loob kay Kris Aquino matapos i-unfollow ng Queen of All Media ang Asia’s Songbird noong nakaraang linggo.

“No. Wala namang anything. Walang sama ng loob. Nothing,” giit ni Regine.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng entertainment press si Regine pagkatapos ng presscon para sa Ultimate Valentine concert, na ginanap sa Luxent Hotel, Lunes ng tanghali, February 9.

Matatandaang nagbigay ng hiwalay na pahayag ang mag-asawang Regine at Ogie Alcasid tungkol sa hindi pagdalo ni President Benigno “Noynoy” Aquino III sa heroes’ welcome para sa mga yumaong miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Philippine National Police o mas kilala bilang Fallen 44.

BASAHIN: Kris Aquino admits misunderstanding with Ogie, Regine over PNoy-SAF issue

BASAHIN: Regine Velasquez says PNoy should have been more gracious

Naging mitsa ito upang panandaliang sumama ang loob ni Kris matapos ma-“misinterpret” ang nailathalang pahayag nina Regine at Ogie tungkol kay PNoy.

Ayon kay Regine, nagulat na lang siya nang makarating sa kanya ang balitang bigla siyang ni-unfollow ni Kris sa Instagram dala ng nabanggit na sitwasyon.   

“I wasn’t aware. Hindi ko naman matse-check.

“I didn’t naman unfollow her [after what happened],” saad ni Regine nang hingan ng reaksiyon tungkol sa pagtatampo ni Kris.

Dugtong pa ng singer-actress, “Hindi nga ako masyadong nag-i-Instagram because I’m busy with the concert.”

Para kay Regine, walang dahilan para palakihin ang isyu, lalo pa’t humingi na ng dispensa sa kanilang mag-asawa si Kris.

“You know it’s finished. She already apologized.

“I couldn’t understand the whole thing. Hindi ko naintindihan kung ano ba yun.
 
“Kinuwento lang sa akin ng asawa ko.

“Tapos na. Nag-apologize naman na siya,” paliwanag ng Asia’s Songbird.

Sa ngayon, ayon kay Regine, mas mabuting ipagdasal na lang ang Fallen 44 kaysa patuloy na ikondena ang kung anumang pagkukulang ng Presidente ng bansa sa nangyaring trahedya.

“Sa dami ng pinoproblema natin, tama na muna ang sisihan.

“Let’s just all pray for our President. He's going through a lot.

“And let's pray for the families of the Fallen 44 and for our government.

“Maraming kailangan ayusin. Pero hindi ito siguro yung time to point fingers.” -- Rachelle Siazon, PEP