ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Derek Ramsay defends ex-gf Angelica Panganiban


 

Naging maingat si Derek Ramsay sa pagbibigay ng komento tungkol sa bagong isyung kinasasangkutan ng ex-girlfriend niyang si Angelica Panganiban, na may kinalaman din kina John Lloyd at Shaina Magdayao. 

Karelasyon ngayon ni Angelica si John Lloyd, na ex-boyfriend ni Shaina.
 
Basahin: What Angelica Panganiban wants in John Lloyd proposal

Sa isang talkshow na guest si Angelica at bestfriend nitong si John Prats, na naging ex-boyfriend din ni Shaina, nabanggit Angelica na siya ang dahilan kaya nagkahiwalay sina John Lloyd at Shaina.

Marami ang nagulat sa naging rebelasyon ni Angelica at may mga pumupuna na parang inagaw niya si John Lloyd kay Shaina.

Nang hingan ng reaksiyon dito si Derek, sinabi niya na ayaw niyang magbigay ng komento dahil hindi niya napanood ang naturang panayam kay Angelica.

"I’m aware, but I’m the type of guy that I wanna see it [video] first before I open or comment on anything," paliwanag ng aktor.

Gayunman, ipinagtanggol na rin ni Derek ang kaniyang ex-girlfriend.

“But I know for a fact na hindi naman niya [Angelica] inagaw si John Lloyd kay Shaina. 

“From what I know, lahat naman sila dating magkaibigan, 'di ba?

“So, John Prats is the ex of Shaina. Shaina and John Lloyd…

"That’s why I didn’t want to get involved when that was all happening.”

Sa tingin ba niya, naging tactless si Angelica sa pananalita niya?

“Ahm, I don’t think Angel… it’s kinda shocking that she would say those kind of things. 

"But like what I said, I haven’t seen the video. But ang dami na ngang nagsasabi.

“I know Angel is a type of person that speaks [her mind]. 

"She’s a very emotional person, 'pag may pinagdadaanan she’s very vocal. 

"Sometimes she speaks from the heart and doesn’t think about what she says.

“So sometimes she might say things she doesn’t mean… I  don’t know.

“Maybe she said things in a joking way.

"Maybe she said things in a way that was misunderstood.

"Or maybe she was very emotional and she let go of things that she really didn’t mean to say… I don’t know.

“Si Shaina naman, I know her because of Vina [Morales, Shaina's sister].

"Vina is very close to me. 

"And Shaina naman isn’t the type who will react to something like this.

"From what I know of her… I don’t know, ano bang nangyari kay Shaina?”

THE CURRENT ONE. Ang kasalukuyang apple of the eye ngayon ni Derek ay isang non-showbiz girl na matagal na raw niyang kakilala. 

Siya ay ang part time model na si Joanne Villablanca.

Ayon kay Derek, “She’s not that athletic but she lives in style.

"Hindi siya stewardess, hindi siya yung sinasabi ng tao na flight attendant. Hindi 'yan totoo. 

“Nag-commercial siya na parang flight attendant siya, pero hindi siya flight attendant.”

Si Joanne na kaya ang hinahanap niyang babae na pakakasalan?

“Yung partner ko, kung ito talaga ang gusto niya, ibibigay ko.

"Basta, para sa akin, the mother of my kids is the one I wanna spend the rest of my life with.”

Nagpaparamdam na ba siya kay Joanne?

“Ayoko namang takutin.  Relax lang muna," anang hunk actor. -- Rey Pumaloy, PEP
 
For the full story, visit PEP.