ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Chiz responds to letter of Heart's father
By RACHELLE SIAZON, PEP
Hindi man nakarating ang mga magulang ni Heart Evangelista sa araw ng kanyang kasal, may inihandang sorpresa ang mga kapatid niyang sina Michelle, Camille, at Lissa Ongpauco para sa aktres.
Ito ay ang sulat na ipinadala ng ama ni Heart na si Reynaldo Ongpauco na naghahayag kung gaano nito kamahal ang aktres at ang hirap na nararamdaman nito dahil hindi ito nakarating sa “pinakaimportanteng araw sa buhay” ng anak.
Base sa sulat ay hiniling din ni Mr. Ongpauco kay Chiz na mahalin at tanggapin nang “buong-buo” si Heart bilang kabiyak ng senador.
FULL TEXT: Father's message to Heart on her wedding day
Sabi pa nito, “Take care of her and love her unconditionally. Just like her mom and I love her unconditionally.”
Si Michelle ang dapat sana’y magbabasa ng sulat ni Mr. Ongpauco, ngunit naging emosyunal at napaluha ang kapatid ni Heart.
Kaya naman tinawag na lang nito ang pinsang si Happy Ongpauco upang basahin ang naturang liham.
Pagkatapos nito ay biglang pumunta sa harap ng stage si Chiz upang ihayag ang kanyang saloobin tungkol sa mensahe ng ama ni Heart.
Bungad na pahayag ni Chiz: “Sorry, wala sa programa ‘to.
"Kay Mich [palayaw ni Michelle] at kay Happy [Ongpauco], may sagot ako sa tanong.
“Sabi ng daddy ni Heart, mahalagang tanggapin ko siya.
“Oo, gagawin ko siya, ginagawa ko yun.
“Hindi ko lang siya [Mr. Ongpauco] puwedeng tawaging 'Daddy' o 'Tatay' hangga’t hindi niya sinasabi.”
Ayon pa kay Chiz, tinatanggap niya nang buong-buo si Heart at maging ang mga magulang ng aktres.
Ito ay sa kabila ng pagsubok na pinagdaanan nina Chiz at Heart noong nag-uumpisa pa lang ang kanilang relasyon.
Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na mariing tinutulan ng mag-asawang Reynaldo at Cecile Ongpauco ang pakikipagrelasyon ni Heart kay Chiz noong 2013.
Pagpapatuloy ni Chiz, “Pero nais kong sabihin, mahal at tinatanggap ko sila dahil bahagi sila ni Heart, hindi kailanman puwede alisin yun.
“Ano man ang nangyari o ano man ang mangyari, bahagi siya palagi.”
Nagpasalamat din si Chiz sa mga kapatid ni Heart sa suportang ibinibigay ng mga ito, lalo na sa araw ng kasal nila ng aktres.
Aniya, “Kulang man [absence of Heart’s parents], sapat na yun [sisters’ presence] para sa kanya para maging ganap ang gabi naming dalawa.” —PEP
Tags: heartevangelista, chizescudero
More Videos
Most Popular