ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Dating child wonder Niño Muhlach, bilib kay Ryzza Mae Dizon


 


Sa kabila ng matinding kompetisyon sa child stars sa kasalukuyan, determinado ang dating child wonder na si Niño Muhlach na sa kanyang four-year-old son na si Alonzo ipamana ang bansag na "Child Wonder."

Naging pinakasikat na child star si Niño noong dekada ’70 hanggang ’80, at gusto niyang makamtan ng anak ang natamo niyang tagumpay dati.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Niño kung paano niya ito gagawin, lalo pa’t maraming mga bata ngayon ang mas nauna nang sumikat; gaya nina Ryzza Mae Dizon, James “Bimby” Aquino-Yap, at Jana Agoncillo.  

Tugon ni Niño, “Ito yung pananaw ko... after me, wala na talagang child stars na nag-solo talaga ng pelikula, na nagdala ng kanyang sariling pelikula.

“It was always Aiza Seguerra with Tito, Vic, and Joey. Laging may kasamang big star.

“Pero wala talagang nagso-solo na [gaya ng mga pelikula kong] Bongbong, Tempong, Nognog, Enteng Anting, Peter Pandesal, Bruce Liit, Agimat ni Pepe, Pepeng Kulisap… yung talagang siya ang lead talaga.

“Wala po talagang batang gumawa noon kagaya ng ginawa ko.

"Kaya kung naisip ko na mag-aartista si Alonzo, sana maging ganun din yung gagawin niya.

"Hindi lang yung ibang child stars na after ilang movies na nakasama ang bida, 'tapos mawawala na. Parang nagpagod ng oras.

"Mas gusto ko pa siguro na mag-aral na lang siya kung ganun din lang ang mangyayari."

Nakausap ng PEP si Niño sa formal launch ng kanyang anak bilang Viva artist, nitong Martes, February 17, sa Music Hall, Metrowalk, Meralco Avenue, Pasig City.

Sa pinirmahang kontrata ni Alonzo kasama ang Viva Entertainment, magiging co-manager nila ang D’Wonder Films, ang production outfit ni Niño, at siyang magpo-produce sa mga mga iri-remake niyang pelikula para sa anak.

Samantala, puring-puri naman ni Niño ang child star na si Ryzza Mae Dizon.

Hindi raw kasi nito inagawan ng “moment to shine” si Alonzo nang magtambal sila sa 2014 Metro Manila Film Festival entry na My Big Bossing at sa talk show ni Ryzza na The Ryzza Mae Show.

Saad ni Niño, “Si Ryzza, tuwang-tuwa ako kay Ryzza nung nagkasama sila ni Alonzo.

"Kumbaga, lagi niyang binibigyan ng sariling time si Alonzo para mag-shine.

“Hindi kagaya ng iba na, child star ka, ‘Puwede kitang hindi pagsalitain sa show ko,’ di ba? Parang, ‘Ako ang bida, di ba?’

"Pero hindi niya ginawa kay Alonzo, talagang alagang-alaga niya si Alonzo.

“She was very nice to Alonzo, tinutulungan niya, kaya bilib na bilib ako sa batang yon.” -- Bernie V. Franco, PEP

For the full story, visit PEP.