ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Niño Muhlach, 'di raw pinilit ang anak na si Alonzo na sundan ang yapak niya sa showbiz

"Hindi naman ito ego trip, nagkataon lang na nabigyan siya ng pagkakataon, gawin na lang niya nang tama." Ito paliwanag ni Niño Muhlach tungkol sa pagpasok sa showbiz ng kaniyang anak na si Alonzo na pinaniniwalaang susunod sa kaniyang yapak bilang child superstar.
Noong February 17 ay pormal na pumirma si Niño Muhlach ng five-year movie contract para sa anak na si Alonzo sa Viva Production.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), inilahad ni Niño ang mga nakalinyang proyekto na gagawin ni Alonzo sa Viva. Lahat halos ay remake ng mga pinasikat niyang pelikula noong child wonder pa siya.
Pahayag ni Niño, “Happy, happy ako... words cannot express how I feel.
"I want to thank Viva na yung ibinigay nila, talagang napakaganda bukod sa ilu-launch si Alonzo."
Sa presscon proper, nabanggit ni Niño na 'di katulad ng ibang child stars na may kasamang malalaking stars sa mga proyekto nito, ang gusto niya ay makilala bilang solo child star ang anak katulad career path na tinahak niya noon.
“Hindi naman nagmamadali, ang sinasabi ko lang, yung ginawa ko nung bata ako, wala nang nakaulit nun.
"Wala naman akong ibang ibig sabihin dun, yung ibang child stars kasi, laging may kasamang big stars.
"So, walang nakaulit gaya ng ginawa ko na kayang magdala ng solo na pelikula, gaya ng Bokyo, Tembong, Nog-Nog, Pepeng Kulisap, Kuwatog.
"Ganun ang mga pelikula ko, laging solo lang talaga.
"Niño Muhlach na pinalilibutan mo ng mga komedyante.
"Sana yun ang gusto kong ma-achieve niya.
"Kasi kung ganun din lang na, like other child stars, mas gusto ko na mag-aral na lang siya."
Sinabi pa ni Niño na hindi niya pipilitin ang anak kung alam niyang hindi kaya ng bata.
“Sino namang tatay ang pipilitin mo lang, 'Anak, mag-artista ka.'
"Hindi naman sa pagmamayabang, kaya naman namin siyang buhayin kahit 'di siya mag-artista.
"Hindi ito trip lang na gusto kong ma-achieve niya kung ano ang na-achieve ko.
"Okay na ako, kumbaga, wala na akong dapat patunayan.
"Kahit na ano pang gawin nila, I was able to reach kung ano ang dapat kong marating as a child star talaga.
"Hindi naman ito ego trip, nagkataon lang na nabigyan siya ng pagkakataon.
"Gawin na lang niya nang tama." -- Melba R. Llanera, PEP
For the full story, visit PEP.
Tags: niñomuhlach, alonzomuhlach
More Videos
Most Popular