ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Why Ellen Adarna broke up with live-in boyfriend
By JOHN FONTANILLA, PEP
Last year pa raw nangyari ang hiwalayan ni Ellen Adarna at ng dati niyang boyfriend, "Siguro mga September."
Almost three years daw tumagal ang relationship nila. Bakit sila nag-break?
Sagot ni Ellen, "Wala lang... alam niyo naman na we lived together, 'di ba?
"Obviously, yung first week, nakaka-miss, pero it's better for us.
"Kasi, if you think hindi na puwede, that's the time you have to decide.
"And siguro, dumating ako dun sa point na I have to decide and yun nga yung decision.
"Wala na, break na.
"And may mga issues din kami na hindi na talaga naayos and mahirap na ayusin din.
"Alam naman niya kung ano yung reason.
"'Tsaka sa personality ko kasi, if ayoko, ayoko talaga, at hindi mo ako mapipilit."
Patuloy niya, "Kasi na-experience ko na dun sa first boyfriend ko, for three years, after naming mag-break, super-cry talaga ako. Dinamdam ko talaga.
"Pero as time flies by, parang hindi na uso sa akin yun.
"Kapag ayoko na, ayoko na and walang iyak-iyak. Kailangan move on kaagad!
"And besides, hindi naman kasi magiging ganun if walang reasons.
"Kaya naman nag-e-end ang relationships because may dahilan.
"And alam naman namin pareho yung reasons kung bakit nag-end na yung relationship."
Nakausap ng PEP si Ellen sa presscon ng Healthy Cereal Drinks ng NutRite, na ginanap sa Club 88, sa Timog Avenue, Quezon City. —PEP
Tags: ellenadarna
More Videos
Most Popular