ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Deniece Cornejo makes surprise appearance at Star Awards
By RUBEN MARASIGAN, PEP
Ikinagulat halos lahat ng mga tao sa lobby ng The Theatre ng Solaire Resort & Casino ang biglang pagdating ni Deniece Cornejo sa 31st PMPC Star Awards For Movies nitong Linggo ng gabi, March 8.
Matatandaang naging kontrobersiyal si Deniece dahil sa inihain niyang reklamong rape laban kay Vhong Navarro.
Sa kabilang banda, nagsampa naman si Vhong ng kasong grave coercion laban kay Deniece at sa grupo ni Cedric Lee, na humantong sa kanilang pagkaka-detain.
Pansamantalang nakalaya sina Deniece matapos magbayad ng piyansa.
Kagabi ay kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Deniece.
Sagot niya, “Napakaano po… napakasaya. I’m very honored na na-invite ako sa ganitong event."
Ang legal counsel niyang si Atty. Topacio, na kasama niya kagabi, ang nag-encourage daw kay Deniece na um-attend sa Star Awards.
Ito ay para maipakita raw na wala silang dapat ikatakot, sa media man o sa publiko.
Gusto raw nilang lumabas ang katotohanan at mapatunayang hindi siya guilty sa anumang akusasyon.
Wala na bang kaba si Deniece at tila kampante na siyang humarap sa media ngayon?
Tugon niya, “Ay, oo naman po. Okey naman po ako.
“Maganda naman po ang mga nangyayari sa akin, so wala naman pong kailangang ikatakot.
“Sobrang na-miss ko lang po talaga yung mga dati kong ginagawa, lalo na sa modelling.
“So, kung ano po ang mangyayari this year, hindi ko pa po masasabi.” —PEP
Tags: deniececornejo
More Videos
Most Popular