ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz

Aiko Melendez wants her children in showbiz instead of politics


Matagal-tagal na rin mula nang lisanin ni Aiko Melendez ang mundo ng pulitika, kung saan naging konsehala siya sa Quezon City. 

Basahin: Aiko Melendez wins Best Actress in London filmfest
 
Nagpapasalamat ba si Aiko na wala na siya sa mundo ng pulitika, lalo na ngayong kaliwa’t kanan ang natatanggap na batikos ng gobyerno dahil sa ilang anomalya at kontrobersiya? 
 
Tugon niya, “It’s a good thing and a blessing also. But you know, it’s sad, kasi some of the involved are my co-actors."
 
“I hope one day, we only hope for the best to clean the system… sana one day.” 
 
Sa tingin ba niya ay maaayos pa ito? 
 
“Well, kung gugustuhin natin lahat at kung magsama-sama tayong malinis ang sistema, kaya naman natin.”
 
Kung siya ang masusunod, saan niya mas gustong pumasok ang kanyang mga anak—sa showbiz o sa pulitika? 
 
Sagot ni Aiko, “Showbiz na lang. Kasi mas kamado ko, e. Bata pa lang ako, artista na ako. Eto, masi-shield ko sila."
 
“Kasi dito naman sa showbiz, intriga lang. Kaya mo namang ayusin kung gugustuhin mo, ‘di ba?"
 
“E, sa politics, may patayang involved pa.” 
 
Gusto ba niyang sumabak ulit sa pulitika? 
 
Ayon kay Aiko, “Hindi ko isinara yung possibility, pero sa ngayon, with the rate things are going, mas gusto ko muna sa pag-aartista.”-- Rey Pumaloy, PEP
 

For the full story, visit PEP.

Tags: aikomelendez