ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
Jake Vargas maintains professional relationship with Bea Binene after breakup
Mas gusto na lang daw tumahimik at ayaw magsalita ng Kapuso young actor na si Jake Vargas kaugnay ng breakup nila ni Bea Binene.
Pakiusap ni Jake, "Huwag na lang po nating pag-usapan 'yan. Hindi kasi maganda kung magsasalita ako, kalalaki kong tao. Mas okey na tahimik na lang para hindi mas maging magulo. Ang mahalaga ay nagagawa pa rin nilang makipagtrabaho sa isa't isa nang walang problema."
Saad pa niya, "Kami naman kasi si Bea, okey naman kami. Nagagawa naman naming magtrabaho nang maayos. Like, nung nag-guest siya sa Pepito Manaloto o nag-guest ako sa Vampire ang Daddy Ko."
"Yun naman kasi ang maganda, yung okey pa rin kami pagdating sa trabaho dahil pareho naman naming gusto ang laging may trabaho."
New leading lady
Welcome naman daw ni Jake kung may ibang gusto ang GMA na ipareha sa kanya bukod kay Bea.
"Okey naman sa akin, wala namang problema. Hindi naman kasi maganda yung namimili ka ng katrabaho. Mas maganda na kahit sino, puwede mong makatrabaho at 'di ka namimili."
Kung siya ang papapiliin, sino pa ang gusto niyang makapareha? Sagot ni Jake, "Kahit sino, hindi naman ako mapili. Ang mahalaga naman may trabaho ka."
Naghihintay pa raw si Jake ng bagong project bukod sa ginagawa niya ngayon na Pepito Manaloto, Sunday All Stars, at Walang Tulugan with The Master Showman.
Star awards nomination
Samantala, masaya raw si Jake nomination niya sa 31st Star Awards for Movies bilang Best Supporting Actor para sa pelikulang Asintado.
Sabi niya, "Mas nakakaganang gumawa ng pelikula na katulad nun, nailalabas ko yung acting ko at naa-appreciate ng mga tao Like PMPC, na napansin nila yung acting ko sa Asintado, kaya nagpapasalamat ako. Sana yung mga susunod kong pelikula mapansin din nila at ng iba pang mga award-giving bodies."
Masaya rin si Jake dahil unti-unti nang nakaka-recover ang kanyang manager at mentor na si German Moreno.
"Nakakapamasyal na siya at minsan nagpo-phone patch sa radio. Kaya sa mga nagmamahal kay Tatay Germs, patuloy lang natin ang pagdarasal para mas mapabilis ang paggaling niya. Para mapakinggan na natin ang kanyang boses sa radio muli at mapanood sa Walang Tulugan," sabi ni Jake. — John Fontanilla, Pep.ph
Tags: jakevargas, beabinene
More Videos
Most Popular