ADVERTISEMENT
Filtered By: Showbiz
Showbiz
What Danica Sotto fears about dad Vic's relationship with Pauleen Luna
By REY PUMALOY, PEP
Tinanong ng PEP si Danica Sotto-Pingris kung tanggap na ba niya ang romantic relationship ng ama niyang si Vic Sotto, 60, sa Kapuso actress-TV host na si Pauleen Luna, 26?
Saad ng TV host, “Kahit naman si Pauleen, alam naman niya yun na hindi naman mawawala talaga yung at the back of your head, yung age gap talaga.
“Sa ngayon kasi, I can see naman that they’re really happy.
“So, nirerespeto ko na lang kung ano yung meron sila ngayon.
“Pini-pray ko na lang na sana talagang it will last hanggang sa future.
“'Di ba, yun lang naman ang importante?”
Lumalabas ba sila kasama ang kanyang ama at si Pauleen?
Sagot ni Danica, “Oo. Parang nanonood din sila ng games ni Marc. Sila ni Daddy.
“Manonood kami ng games then, after, kakain kami sa labas.”
Si Danica na ang nagsabing si Pauleen ang nag-reach out sa kanila.
“In fairness naman to her. Parang nag-organize siya ng dinner with my dad ‘tapos…
“Never pa nga siyang nag-invite na siya lang.
“Parang laging… kunwari, ‘Tara, dinner tayo.’ Yun pala with my dad.
“Kunwari, pupunta ako ng Alabang… Minsan si Daddy naman ang magsasabi na, ‘O, tara, dinner tayo, ‘tapos yayain ko si Pauleen,’ ganun.
“Hindi pa niya ako niyaya na, ‘Tara…’ as if mag-amiga?
“To think na hindi malayo ang age namin, ‘di ba?”
Dagdag pa ng 31-year-old TV personality, “Siguro nandun naman yung respect. Na-appreciate ko naman yun.
“Niri-reach out rin niya kahit yung mga anak ko.
“Parang kahit wala ako, pumupunta raw sa bahay, nagdadala ng mga something for my kids.”
'It's not easy to be his girlfriend'
Isa ba itong patunay na kakaiba si Pauleen sa mga nagdaang romantic relationships ng kanyang ama?
Saad ni Danica, “Well, different na nga yung pinakabata, ‘di ba?
“Pero yun na nga, at the end of the day, hindi mo maiaalis na magwu-worry ka. 'Paano na kaya sa future?'
“Sa ngayon, nakikita ko naman yung effort niya rin talaga.
“Yung pag-iintindi niya kay Dad, sobra-sobra rin naman.
“Because I know it’s not easy to be his girlfriend.
“Kasi, I mean, ‘di ba, may mga anak na siya [Vic]? Puwede naman siyang [Pauleen] magsimula nang fresh.
“So, ina-appreciate ko na lang kung ano yung meron sila ngayon.”
Dagdag pa niya, “Nakikita ko naman na masaya siya [Vic] and parang ayaw ko na ring i-stress ang sarili ko sa mga bagay na wala pa.
“Sige, I’ll just take it a day at a time.
“And I’m always praying naman for them.
“Pinagpi-pray ko naman na sana, at the end of the day, kung anuman yung maging decision nila, like, if they will take it a step further, parang magkaroon sila ng fear of the Lord.
“Maging nandiyan din si Lord sa relationship nila.
“Kasi, ‘di ba nga, parang ang daming nagsasabi na, ‘Ano ba? Ano ba talaga yung secret sa ano [relasyon]?’
“Wala naman talagang nakakaalam ng secret sa ano…
“Kunwari, ako, hindi ko naman mababantayan si Marc 24/7, and I’m sure… I’m sure ang daming mga nangungulit sa kanya.
“Baka yung iba, hindi ko alam. Baka yung iba nandiyan-diyan lang, ‘di ba?
“Parang ang inaano ko na lang, ang sinabi sa akin ni Tito Chinkee Tan…
“Hindi ko makakalimutan yung sinabi niya na if you have a spouse that has fear of the Lord and loves God more than you, kahit hindi mo bantayan ‘yan, takot ‘yang gumawa ng ano [kalokohan].
“So, yun lang ang fear ko, hindi lang sa kanila, kundi sa aming dalawa rin.
“Hindi naman ako nagdudunung-dunungan. Hindi rin naman ako perfect.
“Every day nagdarasal talaga ako na sana forever na ito, sana forever na ito.
“Wala rin namang makakapagsabi.” —PEP
More Videos
Most Popular